Dinamdam ko ang aking kaba. Gabi ngayon at maraming sumasayaw sa paligid namin na magkasintahan. Iniisip ko palang ang mga gagawin namin dito ni Frosto..parang sasabog na ang puso ko. May kung anong nangingiliti sa aking tiyan sa mga oras na ito.


Hanggang sa...

Still feels like our first night together..

Niyaya niya ako sumayaw ng pumalinlang ang isang sonata.

Nakalahad ang kamay niya sa akin at nakita ko ang tingin ng iilan sa amin. Umiwas ako at tiningala siya.

Ang mga mata niya ay masaya at madilim. Parang mga bituin na sa kadiliman lamang nagliliwanag.

Tumango ako at hindi ko inaasahan na kabigin niya ako at dahan dahan akong napadikit sa dibdib niya. Pumikit ako ng mariin sa kabang naramdaman.

Ito ang unang pagkakataon na lumapit ako sa dibdib ng isang lalaki ng ganito.

Feels like the first kiss..
It's getting better ,baby..
No one can better this...

Napakaganda ng sonata na pinapakinggan namin. Humalo na kami sa mga mag syotang sumasayaw sa mabining sonata.

"Unang s-sayaw ko ito dito.." sabi ko para mailigaw ang aking kaba.

Tiningala ko siya at nakita kong nakatitig lang siya sakin.

"Unang sayaw ko rin ito.." tipid siyang ngumiti sakin at ang isang kamay niya ay mas humigpit ang hawak sa baywang ko. Ang kamay niya naman ay humawak sa aking panga at hinimas ang aking baba.


Still holdin' on you're still the one..
First time our eyes met..

"Talaga?" hindi ako makapaniwala.

Ngumisi siya sakin. Hay... ang guwapo niya talaga. Wala siyang kasing guwapo.

"Yeah..." hinaplos niya ulit ang baba ko at lumakbay ang titig niya sa kabuuan ko.

Same feelin' I get..
Only feels much stronger..
Wanna love you longer...

Hindi ko maiwasan na ikumpara ang kulay naming dalawa bigla.

Ang itim ng kamay ko kumpara sa kamay niya. Ang ganda nang damit niya habang ako ay luma ang suot. Kumirot ang puso ko dahil ang layo layo ng aming mundo.

Tumawa ako ng bahagya. "Ang itim ng k-kamay ko no?"

Tinitigan niya ang kamay ko na nasa kanyang balikat.

"Does it matter?" nakakunot ang noo niya. Umawang naman ang labi ko.

"Maganda ka Soledad. Stop comparing yourself."

Natahimik ako at tumango nalang. Hinila niya ang ulo ko padikit sa kanyang dibdib.

You still turn the fire on...
Your are feeling lonely don't
You are the only one I ever want...

"Damn... This is the best night of my life..."

I only wanna make it good..
So of I love you..
A little more than I should. .

Tiningala ko siya at nginitian.

"Talaga?"

Tumango lamang siya at titig na titig sa akin.

"Bakit ka natulala?" tanong ko.

Umiling siya. Langhap na langhap ko ang bango ng kanyang damit.

"Iniisip ko lang kung girlfriend na kita."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at uminit ang pisngi ko.

"Siguro..." patuloy nito. "Baka araw araw kitang sinusundo. Mababaliw ako kapag hindi kita makita."Anito.

"Pero ngayon mag aantay ako sayo Sol. Aantayin kita.." dagdag pa niya.

Walang humpay ang kalabog ng dibdib ko.

Totoo ba to? Ang mayamang si Frosto sy sinasabi sakin ito?

Hanggang sa hinatid niya ako pauwi ay hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari ang mga ito.

"Hindi kana dapat bumili pa nito Frosto." Sabi ko sabay tingin sa mga pinamili niya sakin sa Labangan kanina.

"You deserved all of this.. My soon to be girlfriend.." pang aalaska na naman niya sakin.

Tumawa ako at umiling. Hindi naman kalayuan ang Labangan sa lugar namin kaya nakarating kami agad.

Wala paring ilaw at madilim ang papasok sa loob sa malaking puno. Tanging sasakyan lang ni Frosto ang umiilaw.

"Kaya ko na to. Salamat talaga ha?" Alam ko na malalim na talaga ang gabi dahil sa lamig at inaantok na ako.

"You are much welcome. You should sleep. Inaantok ka na. Mas lalaki ka kapag kumpleto ang tulog mo."

"Oo nga. Tama ka diyan." sang ayon ko at inantay si Frosto na kalasin ang seatbelt ko.

Ginawa niya nga iyon kaya kinabahan ako ng makalas na niya iyon ay sobrang lapit niya parin sakin. Kinagat ko ang aking labi nang ilang dangkal nalang ang lapit namin sa isa't isa.

Pumikit ako ng haplusin niya na naman ang baba ko.

"Hindi ko tatantanan ang labi mo kapag girlfriend na kita Soledad. Damn. You are so beautiful," anas niya at hinalikan ako sa pisngi.

Dinamdam ko ang halik niya sa aking pisngi at nagkatinginan kaming dalawa.

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon