“I don't fucking care if they hear me! Totoo naman! They were always hurting my best enemy! Ang sama nila! Imbis na kampihan nila ang apo nila, they chose to manipulate and abuse her! Fuck… Sumasapaw pa ang teacher na 'to!”

“Excuse me, Mr. Aeñoso?” Mrs. Alegre voice. “Could you please—” 

“It's school fault! It's your fault, Mrs. Alegre!” dumagundong ang malalim na boses ni Gariel. “Kung naging maingat lang sana ang pesteng school na 'to, hindi mangyayari ang lahat ng ito! Hindi sana mamamatay ang kakambal ko! Wala sanang mangyayaring ganitong kahangalan!”

“Mr. Aeñoso—” 

Napasinghap si Mrs. Alegre nang biglang tumayo si Gariel at padabog na lumabas ng silid. Napangisi ako. Kung hindi pa siya lalabas, siguradong magtutuloy-tuloy ang galit niya at baka magkataong magwala ang tukmol dito. 

“Mrs. Alegre,” si Lolo, sa kaniya napunta ang tingin ko. “Kick my granddaughter out now. I want you to drag her off and cut her scholarship!”

Napapitlag ako. I was about to say something when someone pulled my arm and went out of the office. 

Hindi na ako umangal pa kung saan niya ako dinala. Napatianod lang ako hanggang sa makita kong nasa labas na kami ng school. 

“Bakit mo ako—”

Namilog ang mga mata ko nang bigla niyang pinatong ang ulo niya sa balikat ko. 

“Don't let anyone hurt you, woman…”

I frozed.

May kung ano akong naramdaman nang marinig iyon mula sa kaniya. Parang piniga ang puso ko. 

“I hate seeing you hurting,” bulong niya. Halos hindi ko na marinig ang boses niya. “Please, woman... Don't let them manipulate you…”

I sighed. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Naramdaman kong nag-init ang gilid ng mga mata ko.

“L-Leave me alone…”

Kita kong napaangat siya ng ulo, nagsalubong ang aming mga tingin. Mayroong pagtataka sa mga mata niya. 

“W-What?”

“Leave me alone,” ulit ko. “I hate seeing you—” 

“I didn't do anything wrong here, so why do you want me to leave you, woman?”

Gulong-gulo ang isip ko. Walang anumang salita ang lumabas sa bibig ko. Napayuko na lamang ako. 

“No, woman. I have a promise. I won't ever leave you in your hardest time…”

“Ohne…”

“Are you free today?” tanong niya. “I would like to bring you to the safest place that I know.”

"Saan tayo pupunta?" 

He didn't answer me. Hinawakan niya  ang palapulsuhan ko at marahang hinila. Wala akong idea kung saan kami tutungo, nagpatianod lang ako. Kung hawakan niya naman ako parang isang batang paslit na basta na lang mawawala. 

Namilog ang mga mata ko nang huminto kami sa isang simbahan sa likod ng school namin. 

”Anong gagawin natin dito?”

Hindi ulit sumagot si Ohne. Hila-hila niya pa rin ako papasok ng simbahan. Walang tao nang pumasok kami, tanging kaming dalawa lamang ang tao. 

“Lemme pray first, woman,” usal niya. Nagtataka akong lumingon sa kaniya. “I just wanna ask Jesus if he's missing an angel.”

Isang ngiti ang pinakawalan niya bago nagtapon ng tingin sa altar.

Pusanggala! 

Napakurap-kurap ako. Ano ba 'tong sinasabi niya? 

MADNESS IN LIFEWhere stories live. Discover now