Prologue

1.3K 43 10
                                    

One year later..

January 4, 2021

"Don't go tonight
Stay here one more time
Remind me what it's like, oh
And let's fall in love one more time
I need you now by my side
It tears me up when you turn me down
I'm begging please, just stick around."

"I'm sorry, don't leave me, I want you here with me
I know that your love is gone
I can't breathe, I'm so weak, I know this isn't easy
Don't tell me that your love is gone."
That your love is---"

Pinatay ko ang music na bumabalot sa buong kwarto at pinanlisikan ng mata ang lalaking nasa harap ko.

"Pinayagan kita dito dahil ang sabi mo ay mananahimik ka. Kung magcoconcert ka lang naman dito, please lang.. lumabas ka na." Pakiusap ko.

Mahigit kalahating oras na 'kong nakaharap sa notebook ko at hanggang ngayon ay Tittle pa lang ang naisusulat ko. Pano ay nagpatugtog sya nang kung ano anong kanta kaya napapasabay din ako. Idagdag mo pa ang napakapangit nyang boses na sumisira sa tenga ko.

"Ehh.. Rein, naman! Wala akong magawa sa kwarto. Sinabi ko naman kase sayong dala-dalawahin mo na sa isang kwarto. Ayokong mag isa!" Nakangusong reklamo nya sakin kahit na wala naman na kaming magagawa.

"Wag mong idamay ang iba sa kabaklaan mo. Halos lahat sila gusto ng sariling kwarto."

"Wala naman akong sinabing ayaw ko! Ang sakin lang, hayaan mo na lang ako dito dahil wala naman akong magawa sa labas. Wala ding tao sa buong campus! Wala akong ibang gagawin sa labas!"

"Meron!" Iritang sigaw ko. Napakalakas ng boses at napakaingay nya. "Madami kang pwedeng guluhin don sa labas. Madaming multo don."

"E-ehh.. Hindi ba pwedeng linisan muna sila?" Parang kinikilabutang tanong nya. "M-medyo takot ako sa dugo ng konti.. Alam mo yon? H-hindi ba parang---"

"Sus. Ang sabihin mo ay duwag ka lang." Irap ko at ibinalik ang paningin sa ginagawa.

Nakalimutan ko na ang sinusulat ko. Nakalimutan ko na din kung bakit nga ba nasa harap ko ang notebook na ito.

Tsk. Thanks to Gray..

"Bukas na ang simula ng lahat. Umayos ka." Seryosong sabi ko sa kanya at tumayo na. Dinala ko din ang kutsilyo ko, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ito, just in case na may bigla na lamang sumugod.

"Aye, aye, captain!" Malakas na sagot nya at tumayo na din. "Saan ka pupunta?" yumuko sya sakin at bumulong. Sinundan nya ko hanggang makalabas kami ng kwarto.

"Sa leader nila." Tukoy ko sa mga multo at diretsong naglakad.

Dahan dahan akong huminto nang may makitang gumugulong na kanang kamay sa dinadaanan ko. Natanaw ko rin ang tumatakbong babae papalapit samin. Pinulot ko ang kamay nya at inabot sa kanya.

"Salamat po.." Yumuko sya sakin bago ikabit ang natanggal nyang kamay. Kinapitan ko ang ulo nya dahil mukang matatanggal na din ito sa pagkakayuko nya.

"G-geeezz.. Abnormal ang mga tao dito, Rein. Nakakatakot.." Bulong sakin ni Gray.

"Hindi nga sila tao." Iritang sagot ko. Nung isang araw pa sya paulit ulit. "Mula ngayon, araw araw mo na silang makikita kaya masanay ka na. Kung ayaw mo naman, ngayon pa lang, makakaalis ka na."

"Ayoko nga! Ngayon pa lang ako magiging vice president ng buong school, 'no! Hahahahaha! Ang sarap siguro sa feeling non,' no? Tamang tayo lang sa tabi ng president tapos hahayaan ko na syang magdesisyon. Tapos mag uutos ako sa mga estudyante at susundin nila 'ko! Hahahahaha! Tapos---"

Ghost University (Ghost Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon