CHAPTER 64 // Always and Forever

62 1 0
                                    

CAUTION: Prepair your tissues and kumot na pamunas ng sipon at luha dahil baka maiyak ka at mapasanaol nalang. Char darating din tayo lahat dito. Not now but soon, sa tamang tao, sa manag panahon.
Listen to this para feel na feel mo talaga.

[Playing: Sa Susunod na Habangbuhay - Ben&Ben]

TROY'S POV

HAWAK ko ng mahigpit ang manibela dahil sa kabang aking nadarama ngayon, kasama ng pagtagak ng pawis na nagmumula sa ulo, kahit na napakalamig ng aircon. Kusang nanginginig ang mgabinti ko nang-----  "Hmmp!". Ang isa kong kamay ay nakapatong sa kambyo nang hawakan nya ito.

Humarap ako ng bahagya habang nasadaan parin ang aking paningin....... nakangiti sya saakin "Relax, kung ano man yang nasa isip mo, iisantabi mo muna ok? relax kalang." I need to be relaxed, because I wanna hear her sweet voice in the future.

Nang dumaan kame sa Mahabang loop tunnel sa Ternate, Cavite...... Duon ako kinain ng dilim, at ang dilim na iyon ang nagsilbing kolumbaryo ng buhay ko na akala ko'y hindi matatapos, ngunit may liwanag palang sasalubong saakin, upang mabigyan ng liwanag ang daan na akong tatahakin.

Papunta kame sa Resort kung saan ako nag check-in para sa ispesyal na okasyong aming dadaluhan ngayong pagabi na...... Ilaw lamang ng lumukubog na araw ang aming naaninag at kaunti lamang ang ilaw sa kalsada. Nilingon ko sya at alam kong natatakot sya, ngunit ng hawakan ko ang kamay nya, alam kong gumaan na ang pakiramdam nya......

[FLASH BACK]

"Sir? eto na po ba ang final decision nyo?" Tanong saakin ng sales lady habang hawak hawak ko ang singsing.

Ito ay isang simpleng engagement ring na may maliit na dyamante sa ibabaw, simple, ngunit elegante.... Nakikita kosya kay Larra, maganda sya kahit sya lamang ang pinapakita nya at wala nang iba pang kolorete, sya yung babaeng una mong mapapansin dahil sa ganda nya, at higit pa dun ang kabaitang ipinapakita nya..

"Sir? may mas better pa po jang design, kase yang design nayan is matagal narin po at di yan napapansin, kaya baka gusto nyo pa po ng ibang suggestions?." Muli kong tinignan ang singsing at bigla nalang napangiti.

Kaya namang makayanan kahit pa na nahihirapan
Kahit lungkot, dumaraan 'pag natuyo na ang luha
Parang nahipan ang 'yong kandila
Init ay wala~

"No, I want this...... It looks very special for me, thats why I'm gping to give this to my special girl." matapos kong sabihin yon ay kinuha kona ang singsing at saka gumayak.

[END OF FLASH BACK]

Buo ang desisyon ko, sya ang panghabang buhay ko, at para saakin. Wala nang mas sasarap pa kung makaksama mo ang taong mahal mo sa habangbuhay, at sa susunod pang habangbuhay.

LARRA'S POV

DUMATING kame sa harap ng isang beach resort at nauna syang bumaba upang pagbuksan ako ako ng pinto. Punong-puno ng kaba ang dib dib ko dahil wala akong kaalam-alam kung bakit kame andito, wala pa naman akong dalang damit, O baka surprise nya sakin to? pero bakit parang di surprise? di nya tinakpan mata ko eh..

Nagulat ako nang nawala sya sa paningin ko at maaninang ang pamilyar na imahe ni Alwina. Papalapit ito saakin na may dalang bouquet of tulips.. "Para saan to?" tanong ko dito.

"Wala lang, bulaklak bitbitin mo." sabi nito at ibinigay saakin dahan-dahan.

"Weeehhhh~ anong pakulo to Alwina? at nasan nagpunta si Troy?." kinakabahan ako habang nagtatanong, masyado atang malawak imahinasyon ko kung magiisip ako ng kakaiba.

Hindi nako nakapagsalita pa nang papalapit na kame sa pangpang at maaninag ko ang mga ilaw ng kandila, at nang matauhan ako nang makita na ito ay patungo sa aking nilalakaran.

Hindi ba, pangako mo nung una
Tiwala'y iingatan
Baka naman sa susunod
Na habang buha-ay
Ha-ay
Na lang~


Nanginginig ang buong katawan ko, at ang hawak kong boquet ay kusa nalang nahulog mula sa aking pagkakahawak dahil sa kaba... At nang maaninag kona ang kanyang imahe ay napaestatwa nalang ako sa aking nilalakaran..

Nakasuit and tie sya habang inaantay ako sa aking pagdating, ang mga mata nya'y derechong nakatingin saakin kasama ang kanyang mga kaibigan at mga kapatid ko.

Hindi ba
Pangako mo nung una
Tiwala'y iingatan
Baka naman sa susunod
Na habang buha-ay
Ha-a-ay~

Ang mga mata nyang anytime ay maluluha dahil sa kinang nito kasabay ang pagkislap ng mga bitwin at liwanag ng mga kandila, kasama ang liwanang ng bilog na buwan..... Ako ay puilt-ulit na nahuhulog at hindi na pipilitin pang  pigilan na ang sarili sa kahit anumang mangyari...

Nang makarating ako sa harap nya ay alam kong kinakabahan sya, kaya hinawakan ko ang mga kamay nya  "Bakit tayo nandito?" Nakangiti kong sabi sya kanya.

Hinawakan nya ang mga kamay ko ng mahigpit habang di nya inaalis ang kanyang paningin saakin. At saka sya huminga ng malalim at pumikit.

Whoooooo~ "Larra, I just wanna thank you, for everything, thank you for believing in me that I can, and that you and I really are meant to be. You gave me hope and courage to succeed in everything, that's why sometimes I call you My Ms. Hope....... I don't want us to be like this, the same as yesterday...... " Napahawak nalang ako sa aking bibig kasabay ang mga luhang tuluyang umaagos mula sa mga mata ko.

"Larra Ace Rodriguez, will you marry me?." Tumingala ako upang tignan ang mga bituin sa kalangitan, at nais nila akong maging masaya habang buhay..

At kahit nabago na ng oras
Ang puso ma'y nabutas
Ikaw pa rin
Sa susunod na habang buha-ay
Ha-ay
Ha-a-ay~

"Troy Jasper Lorenzo......... Yes.." rinig ko ang hiyawan ng mga tao mula sa likuran ko nang makita kong sila Mama pala iyon at ang mga kapatid ko, kasama nila Cj, Alwina, Lorence, Jp, at ate Jessi na sobrang saya.

Agad na nyang isinuot saakin ang singsing na napakaganda at hinila ako papalapit sa kanya at yakapin ng mahigpit. "Thank you Babe!!!." at isinubsob ang kanyang muka sa balikat ko.

"No, I Thank you, God loves us so much he wants us to be happy together....That's why I never doubt him that thus day will come." masaya koring usal.

Saka sya kumawala sa pagkakayakap at tinignan ako mata sa mata hanggang sa paunti-unti nyang inilapit ang labi nya saakin, at nyang idampi nya iyon ay alam kong hinding-hindi na nya ako pakakawalan kahit kailan pa man.

To Be Continued
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

My Hopes To My Mr. Cassanova (Complete)Where stories live. Discover now