CHAPTER 62 // Begin Again

41 2 0
                                    

LARRA'S POV

Makalipas ang ilang araw na puno ng saya, di parin magsink-in sakin na ang taong kaharap ko ngayon ang taong mahal ko....Matapos ang araw na iyon, wala akong ibang natanggap kundi puro biyaya..

Biyaya sa Career, biyaya sa Pamilya, biyaya sa Financial, at ang diko inaasahan ay ang biyayang matatanggap ko, at iyon ang taong kaharap ko ngayon habang nakatuon ang sarili sa labas habang sinisinghot ang amoy ng kape... wala nakong hihilingin pa dahil punong-puno na ng pagmamahal ang buhay ko, at ang magagawa kona lamang ay ibahagi ang pagmamahal na meron ako sa mga taong nangangailangan nito.

KASULUKUYAN kaming nakaupo sa isa sa mga seats dito sa Cafe habang sila Cj at ang mga kuya ay inaayos na ang mga equipment at tools na gagamitin mamaya pag nagbukas na.

At ako naman ay nagtatrabaho sa aking Loptop habang kaharap si Jasper na nainom ng kape...

Ngunit mali atang masyado akong mapabahala...Kailangan ko parin magingat kase mahirap parin ibalik ang buong tiwala ko wag ka muna masyadong inlove nakakasama yan sa trabaho kaya dali-dali akong tumayo upang iligpit ang mga gamit ko ngunit hindi kopaman natatapos iyon ay agad na nyang hinawakan ang pulsuhan ko.

Binigyan nya ako ng nagtatakang tingin kung bakit ako aalis sa pwesto ko "San ka pupunta?." tanong nya

"Sa Taas d-duon nako m-mag t-trabaho." nahihirapan akong magsalita dahil patuloy koring hinahatak ang kamay ko para makawala sa kanyang kapit dito.

"Ihatid na kita."

"Wag na!." napasigaw ako kaya napatingin sya agad maski  na rin ang ibang staff

"Troy namaaaaAan, Trabaho muna bago yaaaAan." pagbiro ni Kuya Nikki sa Counter "Hayaan mo muna ang Baby Larra namin na magtrabaho." dagdag pa nito kaya binigyan kosya ng matamis na ngiti "Nagiipon yan para sa future nyong dalawa." agad kosyang sinamaan ng tingin

Sa sobrang hiya ko ay madali akong umakyat bakit ba kailangan pa nya sabihin yon?! agad kong isinara ang pintuan at nagrelax kaunti, saka muling bumalik sa trabaho.

LUMIPAS ang sampung oras ng pananatili ko sa opisina nang hindi ko sila hinarap at si Cj lang ang umaakyat para dalhan ako ng pagkain, masyado ko din ginguol ang oras ko sa paraan kung paano ko patataasin ang sales ng paninda ko kaya nakalimutan kona ang mga pinagsasabi ni Kuya Nikki kaninang umaga.

Duon din ay may kumatok sa pinto at nang mabuksan ito ay si Kuya Nikki na may dalang isang slice ng cake... "Baby Larra namin galit kaba?." malambing na tanong nya saakin

"Hindi kuya ikaw naman, busy lang talaga ako ngayon." sabi ko

"Pero kahit busy ka dati nakakababa ka panaman." saka ulit sya nagmake-face at kunwaring nalulungkot at nagpapaawa "Baby Larra namin wag kana galit please."

"Kuya di nga ako galit, at saka wag mokong tawagin ng baby Larra namen  kase di nakakatuwa." natatawa pang sabi ko dito.

"Bakit naman? Nako na coconcious ka noh? kase anjan Boyfriend mo." sabi nya ngunit tumahimik lang ako at inilipat ang paningin sa dala nyang tray na may cake.

"Para sakin bato?." Kinuha ko ang cake at saka kumuha ng tinidor "Salamat ha~."

Nagcross arms naman sya at tumingin saakin ng masama "So hindi ako ang iniiwasan mo? At si Troy ba?." napatigil ako sa kinakain ko.

"Uhmmmm."

"Sabihin monga sakin Larra, anong problema mo, para hindi monaman kimkimin." saka sya kumuha ng silya at umupo sa tabi ko. "Tell me, whats your problem?."

Humugot ako ng malalim na buntong hininga at pumikit bago ko paman ibuga lahat ng sasabihin ko "Kuya kase, natatakot akong ibigay ulit ang buong tiwala ko, feeling ko anytime baka maulit ulit, natatakot ako na baka alam moyon-."

My Hopes To My Mr. Cassanova (Complete)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora