PART 1

136K 816 74
                                    

Series 1
=Samantha Perez

Samantha Perez

Animo'y may biglang naghulugan na mga magagandang bulaklak sa paligid nang makita ni Samantha si Yohann na papalabas sa bahay ng mga ito.

Nang isasara na nito ang gate sa bahay ng mga ito ay mabilis na inilagay niya sa semento ang malaking batong hawak niya at mabilis na umatras na sakto namang pagharap nito.

She smiled widely. "Hi mahal kong Yohann! Good Morning!" Nakangiting bati ni Samantha kay Yohann De Silva, ang matagal na niyang sinisinta.

Agad na naglakad siya palapit dito, paskil ang malawak na ngiti sa labi at sinadyang magpapatid sa batong siya rin mismo ang naglagay.

"Ay!" kunwaring sigaw pa niya.

Kitang kita niya ang panlalaki ng singkit na mata nito dahil sa nangyari bago niya sinadyang mapayakap sa matipuno nitong pangangatawan.

"Success!" lihim siyang napangiti ng masamyo ang mabangong amoy nito na kahit kailan, hinding hindi niya pagsasawaan. Nakaramdam siya ng gigil kaya lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap dito.

"Samantha." rinig niyang may pagbabanta sa boses ni Yohann.

Dahan dahan siyang humiwalay sa pagkakayakap dito, unti unti ring nag-angat ng mukha para makita ang gwapong itsura nito.

Nakasimangot na naman!

Niyuko nito ang batong 'natisod' niya at parang may galit na ibinato nito iyon.

Paglingon nito sa kanya ay napalunok siya ng makita itong parang nanghihinala.

"Bakit nandiyan na naman yang batong yan?"

"h-huh?"

"Last week, natisod ka rin. Yang batong din yan ang natisod mo." Yohann crossed his arms. "Tell me, may paa narin pala ang bato?"

Napakagat labi siya, pero imbes na mahiya ay parang gusto niyang mangiti dahil nabisto siya nito. Nababaliw na ata siya.

"Baka may naglagay ulit diyan for display?"

Nangunot lalo ang noo nito at ang ekspresyon nito, parang ipinapahiwatid na hindi siya kailangan paniniwalaan.

"Pinagloloko mo ba ako Samantha? Lahat nalang ng lumalabas diyan sa bibig mo puro kalokohan!"

"Bakit ba kasi ang sungit mo na sakin ngayon? Dati naman hindi ka ganyan sa'kin!" Naibulalas niya. Lagi nalang kasing mainit ang ulo nito sa kanya. Nag-umpisa lang iyon noong nasa pangalawang taon nila sa kolehiyo, at hanggang ngayon na nalalapit na ang graduation nila ay ganoon parin ito sa kanya.

Ang minahal niyang mabait at maalaga na Yohann noon ay biglang nawala at nag-iba. Mahal parin naman niya ang binata, pero malaking katanungan lang sa kanya kung bakit biglang nagbago ang pakikitungo nito sa kanya.

Saglit na tinignan lang siya nito at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Wala sa sariling napanguso siya. Haay, deadma na naman ang beauty niya.

Mabilis na iwinaglit nalang niya sa isip ang tanong na hindi na naman nito sinagot.

Sinundan niya ng tingin ang binata.

LOVE ME BACK (COMPLETED)Where stories live. Discover now