Unang umakyat sa stage ang mga vocalist namin. Huli kaming mga tutugtog ng instrument. Sinabayan ako ni Gariel sa pag-akyat.

Nakaramdam ako ng pagkalula dahil sa dami ng manonood, bahagya pang napaawang ang aking bibig. Hindi ko inaasahang ganito karami ang manonood.

Napayuko ako, pumwesto na kami sa kaniyang-kaniyang instruments namin. Nasa center si Anjoe at Janice.

Habang nag-iintro si Nikko sa drum niya, iniikot ko ang aking paningin sa audience.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Hindi lang basta-bastang bisita ang mga nandito. Mga naglalakihang tao. Mga politiko!

"Focus, Sane."

I swallowed hard. Hindi ko marawi kung ano ang nararamdaman ko nang marinig ang katagang iyon. Tila naging familiar sa akin.

Napapikit ako at hinayaan ang sariling magpadala sa agos ng kanta. They started to sing, that's why I slowly move my fingers.

Masaya naman ang kanta ngunit tila ba  iba ang dating no'n sa akin. Parang ang sakit-sakit.

Pusanggala!

Ano na bang nangyayari sa akin?

I breathe heavily. Napadilat ako nang marinig ang iilang hiyawan ng mga tao.

Natapos ang isang kanta, nag-request pa ulit ang alkalde na tumugtog kami.

"Sure, Mrs. Tui, we will do that!" maligayang wika ni Gariel. Mababasa ang tuwa sa kaniyang mukha. "Give our best shots, buddies!"

Tumutok ako sa clear book ko. Hindi ko kabisado ang piyesang sunod na kakantahin nina Janice at Anjoe.

Sana naman hindi ako magkamali ng pagpindot. Ganito pala ang pakiramdam kapag nasa iyo ang paningin ng mga tao. Parang nakakapanglusaw.

Pakiramdam ko rin, kapag nagkamali ako rito, pagtatawanan nila ako...

Nahagip ng mga mata ko si Jorja at Jahm. Nakagayak na si Jorja para sa pageant niya mamaya. Suot na niya ang pang-opening gown niya.

Pusanggala!

"Kaibigan ko 'yan! Go, Rosane! Go, luka!"

Hindi malinaw sa pandinig ko ang sinisigaw niya. Muli akong napatingin sa clear book ko dahil hindi ko na alam ang susunod.

I couldn't help but smile.

Do I really deserve to have them?

Natapos ang kanta sa huling linya ni Janice. Labis ang paghanga ko sa boses niya. Talaga namang nakakaakit ang tinig niya, dagdag pang napakaganda nito sa pandinig.

"Did you enjoy the performance of Gariel's Band?" Mrs. Tui asked the crowd. Tinutok niya ang mic sa mga tao. Naghiyawan naman ang mga ito. "That's enough for today! Let us welcome our special guests! Mayor Villahermosa, together with his family!"

Bahagya kaming napaatras sapagkat inaya ni Mrs. Tui umakyat ang mga ito sa stage.

"Let us welcome our Governor Ambrose Amadeo and his wife, Rozel Algere-Amadeo!"

Nagpalakpakan ang mga tao. Tumabi ako kay Rozzene nang makita itong nag-iisa sa pinakadulong bahagi ng stage. Tumitig na naman ito sa akin, bagay na hindi ko nagugustuhan.

I really find it weird.

Napunta ang atensyon ko sa mga politiko na nag-aakyatan sa stage. Bahagyang kumunot ang noo ko. Kita kong nandoon si Syrone kasamang umakyat ang alkalde. Nakaalalay ito sa isang babae. Hindi ko naman 'yon kilala.

Isang babae naman ang nakakuha ng aking atensyon. Pilit ko mang iniiwas ang paningin ko sa kaniya, kusa pa ring napupunta ang tingin ko sa kaniya. Si Madame Rozel...

MADNESS IN LIFEWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu