"Sa Parlor, ipapaayos ko itong buhok ko. Free ka ba?"

"After lunch lang ako p'wede. Text n'yo ako kung saan magkikita-kita."

Nagpaalam na kami sa isa't isa at saka naghiwalay na. Dumiretso naman ako sa SC Office. Pagpasok ko, wala naman akong naabutang tao. Binaba ko ang aking bag sa madalas kong upuan.

Nilibot ko ang buong paningin ko at hinanap ang folder na sinasabi ni Syrone. Sabi niya nasa table niya lang ito pero bakit wala naman.

"What are you doing here, witch?!" si Jameson. "Nakita na naman kita! Sira na ang araw ko."

"Sira na rin ang araw ko," usal ko. Ngumisi pa ako para lalo siyang maasar. "Hinahanap ko 'yung folder na sinasabi ni Syrone. Kulay green daw."

Umismid siya. "Nasa ilalim ng table niya, doon ko nilagay kanina!"

Tumango ako. Tinungo ko muli ang table ni Syrone at hinahanap sa ilalim nito ang folder. Nakita ko naman ito kaya agad akong lumabas ng office.

Pagdating sa gym, maraming players ang nagkalat sa kung saan-saan. May mga nagtatawanan at nag-aasaran. May sumipol pa nang mapadaan ako sa ilang grupo ng kalalakihan. Hinanap lang ng mga mata ko si Syrone.

I texted him para mabilis ang paghanap ko sa kaniya.

Ako:
Dito na ako, nasaan ka?

Syrone:
Nakita na kita!

Napalinga-linga ako sa buong paligid.

"Miss Beindz, here!" Kumakaway si Syrone. Kaagad naman akong pumunta sa pwesto niya. Iniabot ang dalawang folder. "Thank you, Miss Beindz!"

"Sige, una na ako."

"Are you free later? After class?"

Kumunot ang aking noo. "Bakit?"

"Wanna treat you to a date-I mean, let's have coffee."

"I have work. Hindi ako p'wede."

"When are you free, then?"

Bahagya akong napangiwi. "Inaaya mo ba ako ng date?" diretsahang tanong ko.

Halata ang pagkagulat sa mukha niya. Naging sunod-sunod ang paglunok niya. Nakita ko pang namula ang buo niyang mukha. Napangisi ako ng palihim. Hindi na siya ngayon namumutla.

"Ano... Hindi!" Humagalpak siya ng tawa. "Ano lang... Hindi gano'n... I mean... Shit!"

"May kape sa Cafeteria, doon ka na lang magkape. Kung gusto mo naman ng kasama, nand'yan si Ohne. Siya ang ayain mo."

Tumalikod na ako sa kaniya. Grabe. May gusto ba siya sa akin? Sana naman wala.

"Miss Beindz, wait!"

Muli akong napalingon sa kaniya. "May sasabihin ka pa?"

"Ah..." Napapikit siya sandali. "Inaaya kitang magkape kasi gusto kong magsorry."

"Para saan?"

"About what happened yesterday. In behalf of my friends, I'm sorry for what has happened."

I breathe heavily. "Just forget it. Mauna na ako-"

"Okay, ingat ka! Salamat ulit! H-Huwag ka sanang madapa..."

Weirdo!

Hanggang sa paglabas ng gym ay nakangiwi ako. Masyado akong nawi-weirduhan sa mga pinagsasasabi ni Syrone.

Pagdating sa Music Club, masamang tingin ang pinukol sa akin ni Gariel.

"Hellapig."

"Ano na naman?"

MADNESS IN LIFEOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz