TB Chapter 4: Introduce Yourself

Start from the beginning
                                    

Pero totoo naman kase, kung magrereklamo kami baka ipatanggal pa ng SSG President yung club namin. Kung mawawala itong club, sabay-sabay kaming babagsak.

Kailangan ko makapasa ng kolehiyo!

Uso kase mag-aral self!

"Tama na 'yan, magpahinga na muna tayo ngayon tapos bukas na lang natin ayusin yung room." sambit ko pa at sumandal sa sofa na inuupuan ko.

Hayss nakakapagod! Lalo na yung nangyari kanina dahil sa lalaking 'yon, mapapagalitan pa ako ni Mama.

Kainis.

Nilibot ng mga mata ko ang buong kwarto at natigil ang tingin ko sa mga lalaking nakaupo doon sa kabilang sofa.

Halos lima ata sila.

Kung titingnan silang lahat muka namang matitino ngunit hindi ko pa sila gaano kakilala kaya hindi ko mailalarawan ang kanilang mga ugali. Yung isa alam ko na yung ugali, yung may hawak ng paint brush kanina. Ang bastos non eh!

Parang yung isa na nasa club ko.....

Wala nga lang siyang paint brush.....

"Kiara wala pa ba sila?" tanong ko sa kanya. Tinutukoy ko sina Grace at Lucas.

"Bakit? Nakita mo ba sila dito sa loob? Wala naman diba?" sarkastikong sabi naman niya sa'kin.

Aba-aba! Pilosopo!

Parang ako.....

Loka loka 'tong babaeng toh ah! Walang pero-pero na nilapitan ko siya at binaltukan sa ulo. Napahawak naman siya sa ulo upang indahin ang sakit.

"Aray! Ang sakit non ah!" may halong inis na sigaw niya naman sa'kin at inirapan ko lang siya.

"Eh bakit? Tama bang kausapin mo ko ng ganon? Nagtatanong ako ng maayos diba?" sermon ko sa kanya.

"Sorna." sambit niya at nanahimik sa isang sulok. Buti naman at natauhan, kala ko lalaban pa eh.

Hinayaan ko na lamang siya at itiningin sa ibang direksyon ang paningin ko. Napakunot naman ako ng noo nang makita kong nakatingin pala silang lahat sa'kin.

Problema ng mga toh!

"Bakit?" inosenteng tanong ko sa kanila dahilan upang kumurap ang mga mata nila, kanina pa kase sila nakatingin nang hindi kumukurap ang mata.

"H-ha? W-wala. Nagulat lang kami kase ang war freak mo pala." si Neo ang sumagot dahil siya lang naman ang kilala ko sa kanila.

Dati pa naman ganito na talaga ako.

Nabigla naman ako nang may humedlak sa'kin at napansin kong si Kiara pala 'yon, gumaganti ang babaita! Pero hinayaan ko na lang baka kase pinapakulam na ako ng babaeng toh eh. Mas gusto ko ng hedlakin niya ako kesa ipakulam. Muka pa naman mangkukulam 'tong babaeng toh.

"Ano ba kayo, wag nga kayo mag-isip ng kung ano dyan?! Ganyan lang talaga kami magbiruan ni Phia, diba?! HAHAHA!" pagpapalusot niya at tumango na lang ako.

Di talaga papatalo toh 'pag sakitan.

Kaya pagbigyan.

Hindi naman na ako kumibo at naupo na lang ulit sa sofa. Maya-maya lang ay may kumatok na sa pinto at pinagbuksan naman ito ni Neo. Sa wakas, nandito na silang dalawa yung isa kase.....hayyss alam niyo na iyon.

HIDDEN SEVENWhere stories live. Discover now