TB Chapter 3: ENCOUNTER

Mulai dari awal
                                    

"Guys, I need to go now. My mom's already looking for me, it's urgent." sambit ni Grace pagkapasok pa lang niya sa loob.

Sabay-sabay naman kaming napatayo. "Kung ganon, ipapahatid ko na kayo sa school tutal nandoon pa naman yung mga sasakyan niyo diba?" tanong naman ni Kiara at napatango naman kami.

Lumabas ng bahay si Kiara at mukang tatawagin ang driver niya upang ihatid kami pabalik sa university. Hindi ko pwedeng iwan motor ko roon! Lagot ako pag nawala 'yon.

-----

Naihatid na kami ng driver ni Kiara sa university. Nagpaalam naman na kami sa kanya bago sumakay sa mga sasakyan namin.

Habang nagmamaneho sa daan, napahinto ako nang may isang lalaki na biglang tumawid at pagewang-gewang pa ang lakad.

Lasing 'to.

Napalibot ako ng tingin sa paligid at nakita ang isang bar. Sa tingin ko, doon siya galing. Nabalik ako sa reyalidad nang bumagsak ang lalaki sa mismong gitna ng daan, ang malala ay sa daraanan ko pa.

"Kuya! Baka pwedeng tumayo ka na dyan? Hindi ako makaabante kung haharang kayo sa daan!" sigaw ko upang marinig niya ang sinasabi ko ngunit wala naman akong sagot na natanggap.

Bumaba ako ng motor upang lapitan ang lalaking nakahandusay sa daan. Jusko kung maglalasing ng ganito, maging responsable naman sana.

Hindi yung ganito.

"Kuya. Kuya, gising. Buhay ka pa ba? Huy, kuya." sambit ko habang tinatapik-tapik siya.

Napansin kong wala pa rin siyang imik at nakaramdam na rin ako ng kaba dahil doon. Hinarap ko siya sa akin at bumungad sa akin ang itsura niya.

Potek, wasted na wasted.

Kung tropa ko lang 'to baka kinuhanan ko na siya ng litrato kanina pa, eme lang. Nakuha naman ng atensyon ko ang paghinga niya, parang hindi ito normal.

"Teka, kuya. Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya at yinugyog na siya upang magising ngunit hindi pa rin siya nagre-respond.

Kahit anong gawin kong gising sa kanya ay wala talagang effect kaya pumara na ako ng taxi at nagpatulong pa sa driver na dalhin ang lalaking 'to sa ospital. Hindi ko naman kasi siya kakayanin i-angkas sa motor ko noh.

"Kuya, tulungan mo naman akong buhatin siya papasok sa sasakyan. Kailangan na siyang dalhin sa ospital." agad kong sabi pagkababa pa lang ng driver at kaagad niya naman akong tinulungan.

"Kuya, dalhin niyo na lang siya sa malapit na hospital at susundan ko na lang kayo, may dala kasi akong motor. Salamat po." saad ko ngunit bago pa ako makasakay sa motor ko ay may nakita akong selpon sa sahig, yung lalaki siguro ang may-ari nito.

Agad kong ipinarada ang motor ko nang makarating sa parking ng hospital, dumiretso ako sa ER kung saan tumigil ang taxi. Binuksan ko naman ang pinto upang mailabas ang lalaking walang malay.

Habang tumutulong akong ilipat namin siya sa ER bed, napansin ko ang paggalaw ng ulo niya at ang kaunting pagdilat ng kanyang mga mata.

May malay na siya!

Napabitaw ako ng mailapag na namin siya sa ER bed at agad naman nilang itinulak ito papasok sa loob. Nagpaiwan ako nang may lumapit na nurse sa akin at may pina-fill up, balak kong sagutan na lang ito at umuwi na rin kaagad.

"Ahm, teka miss. Kung magising man yung pasyente, pakibigay na lang ito sa kanya. Tyaka, pakitawagan na lang din yung mga kamag-anak nung tao kung meron man baka may contact siya dyan." bilin ko sa nurse at napatango naman ito.

HIDDEN SEVENTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang