unexpected visitors

10.1K 284 13
                                    





"Alpha Darius Pov"




Abala ako sa aking pag pag aayos ng aking mga kolektang mga bagay,ng may nagmind link akong natanggap .


Kasabay non pagbukas ng pinto ng aking opisina,na ikinasalubong ng kilay ko....

Pinanatili ko ang matigas kong expression sa mukha....kahit na nagulat ako sa bigla niyang pagpasok

Nakatingin lang ito,na para bang pinag aaralan ang mukha ko..sa aming mga Alpha,normal lang ang tumingin,madalas nga mapagmataas at galit na tingin ang aking matatanggap sa kapwa Alpha ko pero ang isang ito kakaiba,
nakakailang ang ginagawa nito.Dahan dahan syang lumapit sakin.


Tumikhim pa ako,ng nagising sya sa malalim na pagkatulala....

Base sa aura nito.mapanganib na Alpha ang isang ito.

"Kong hindi ako nagkakamali,isa kang ring alpha, Hindi ba?"seryoso kong tanong

Wala parin itong imik,nakatingin lang sakin,sa pagkakaalam ko,narinig ko syang nagsalita ng nakita namin sya sa border,pero ngayon tila ba sya isang mute,

"Nandito ka ngayon sa Nobelliarna Pack,at ako ang alpha sa pack na ito,ako si Darius Kenn Kendreed"

Nilahad ko ang aking kamay.

nagulat ako ng bigla syang lumapit ng sobrang lapit kaya napaatras ako ng kaunti....ang tangkad nya.
Kung matangkad ako,mas matangkad sya ,hanggang balikat nya lamang ako.

Napakunot ang noo ko sa kakaibang pag kilos nito.

Dahil ayaw kong tinitingnan ako,na para bang minamaliit ,sinalubong ko ang mata nya kulay berdeng batong dyamante ,doon ko napagtuunan ng pansin,..may kung ano sa kanyang mata,dahil sa kaunti ng sinag ng araw na nagmumula sa Labas ng bintana,.

"Mate...Nakita narin kita.."sa isang iglap bigla nyang inikot ang matipuno nyang braso sa baywang ko...dahil sa gulat,naitulak ko sya,na kina atras nya...

"Pasensya na...nabigla ako,siguro'y nasasabi mo lang iyan dahil sa gamot na,ginamit sayo,halika umupo ka muna,alam kong nanghihina ka pa.."
Pag babaliwala ko sa sinabi nito

Nakakainis man kailangan kong makisama.
At tiisin ang alpha na ito

Inupo ko sya sa sofa na katabi ng aking table,...

Nag mind link ako sa aking Beta na nandito ang kanilang hinahanap para hindi na sila mag panic.

"Saang pack ka nagmula,?"kahit nakakailang mas pinili ko nalang na maging seryoso,...

"Ako si Venedict Marcelle,alpha ng Black Solemnia Pack...."

Napatayo ako sa gulat,.ano?
pano to nangyari?

ang alpha leader ng lahat ng alpha nandito??

o tawagin nating Alpha King,...

Bigla ako napaluhod sa kanyang harapan,ng nakita ko sa kanyang leeg ang symbolic alpha King tattoo,na ngayon ko lang napagtuunan ng pansin...

"Patawarin nyo ako sa aking kalapastanganang pag uugali, kamahalan..."

"Hindi,tumayo ka,hindi tamang. Lumuhod ang aking future Luna Queen,..."ano daw,nahihibang na ba sya???



"Mukhang nagkakamali lamang kayo,dakilang aking hari...,hindi ako ang mate nyo,at Isa pa isa akong alpha na sa susunod na buwan,nakatakda na akong kumuha na ng aking Luna....
Kaya patawarin nyo ako,pero hindi ko matatanggap."
Wala talaga siya sa tamang pag iisip

Mahinahon kung paliwanag dito.
Kailangan kong maka isip ng paraan para maialis sa isip nya ang mga kahibangan nyang pinagsasabi.

Dumilim ang expression ng kanyang mukha...na ikinataas ng balahibo ko..

Unexpected Mate (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon