KABANATA 17

44.8K 1K 67
                                    

Arthur's P.O.V.

She's back.  Thank God she's back. Medyo naiilang man ako dahil sa kaunting tampo, mas minabuti ko na lang na piliting ikundisyon ang sarili ko na balewalain ang gagarampot na sama ng loob ko.  Ang mahalaga sa 'kin ngayon, narito na siya!  At sa pagbabalik n'ya, nakatutuwang ang laki-laki ng ipinagbago niya--in a good way.

Naging mas maasikaso s'ya, mas attentive, mas karinyosa at mas masigla. Dati-rati, hindi naman n'ya ako sinasalubong ng halik at masahe.  Pero ngayon, gano'n na s'ya. Sobrang sweet at sobrang maalalahanin. Kitang-kita ko na madalas na nag-e-extra effort pa ito para ma-please ako; para ma-pamper n'ya ako kahit hindi ko naman ito hinihingi.

Hindi naman ako nagrereklamo.  Ayos nga 'yun eh.  Looking back, mas di hamak na kampante ako sa relasyon namin ngayon.  Noon, parati akong nag-aalala na bigla na lang n'ya akong iiwan--tulad ng nagawa na n'ya.  Masyado akong aburido sa pag-iisip, kung pa'no ko masisigurong hindi siya mawawala sa tabi ko. Pero ngayon, daig ko pa ang haring sinasamba na tila s'ya naman ngayon ang takot na takot mawala ako.  Ang biglaang pagbabagong n'ya--sa kabila ng aking mga benepisyo--ay s'ya rin namang dahilan kung bakit medyo napapaisip ako.

Something is off.

Everything seems alright, but not quite.

Magulo ba?

Magulo nga.  Dahil ako mismo, naguguluhan kung bakit gano'n ang pakiramdam ko.  Hindi ko maipaliwanag kung bakit sumagi sa isipan ko na tila may mali sa ikinikilos niya.  Wala naman itong sinasabi sa akin. Kapag tinatanong ko s'ya, okey lang naman daw s'ya.  Ang sa akin naman, Ok nga ba siya?

Ah.  Hindi kaya meron akong nakakalimutang gawin? O isang bagay na dapat ginagawa ko pero hindi ko ginawa o ginagawa pa?

"Baka naman naghihintay lang na alukin mo ulit s'ya ng kasal.”  Bulong ni Jason sa akin.

It's our usual boys night out. Ang panahon ng buwanang karaoke night ng Tropa, na s'ya ring panahon ng aming pagtitiis sa mga sintunadong singing showdown ng mga feeling singer na sina Benj at Jon.

" Actually, tinanong ko na s'ya kung gusto n'yang magpakasal na muna kami bago ipanganak ang aming panganay."

"O, eh anong sabi?"

"Hindi naman s'ya humindi, pero tila nagpahapiyaw s'ya na ayaw muna n'ya, dahil malaki na ang tiyan n'ya."

"Ilang buwan na nga ba, pare?"

"Walo, magsa-siyam."

"Wow. Ang bilis ng panahon ah."

"Oo nga. Ikaw rin." Sagot ko, "Ang bilis lumaki ni Jasper. Parang kailan lang, si Helga pa ang buntis ah."

"Oo nga eh."  Nakangiting ito. Kakamot-kamot. "Pero mabalik nga tayo.  Hindi naman kaya nambababae ka?"

"Sira!"

Tumawa 'iya.  Alam naman kasi n'ya na wala sa bukabolaryo ko ang mga gano'ng bagay.

"Alam mo na ba ang gender?" Nang mahulasan na sim'ya sa pagtawa.

"Lalake pare."  Ear to ear ang ngiti ko.

Finding Mr. Perfect Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon