EPILOGO

52.6K 1.1K 106
                                    

Nasa kalagitnaan sila ng pagtangis, nang hindi nila namalayan na unti-unting nang bumibigay ang mga haligi ng bubungang kanilang kinalalagyan.

"Kuya!" Umiiyak na sigaw ni Rodel.

Unti-unti na silang lumulubog.

"Halika. Kumapit ka sa likod ko!" Sigaw sa kanya ng kanyang nakatatandang kapatid

Humiyaw ni Rodel. Bumigay na kasi nang tuluyan ang kanilang kinalalagyan bago pa man ito makakapit sa kanyang kapatid.

Tuluyan na silang nilulon ng maruming tubig-baha.

***

"Natagpuan namin ang dalawang binatilyong ito." Wika ng isang lalaki sa isa sa mga volunteers ng isa sa maliliit na units ng typhoon rescue operations. "Mukhang sugatan po itong isa." Itinuturo ang mas nakakatandang binatilyo na halos wala nang malay. "May nakabaon pong isang malaking concrete nail sa kanyang tagiliran. Hindi po namin inalis dahil baka lalong lumala ang pagdurugo."

"O-oo sige po. Iwanan n'yo lang po sila rito. Hahanap po ako ng nurse na makakapaglapat sa kanya ng first aid." Sagot ng binatang volunteer.

Umalis na ang isa sa mga kalalakihang nagbitbit sa kanila roon.

"Medy!" Sigaw ng binatang volunteer sa gitna ng nagkakagulong rescue center. "Pakihanap mo naman ako ng isang nurse. Meron lang may kailangan dito ng first aid.

"Bakit ako ang inuutusan mo?!" Hiyaw ng babae pabalik, "Nakita mo namang nagkakagulo na dito hindi ba? Bakit hindi ikaw ang humanap. Lintek na." Pabulong ang dalawang huling salita nito.

Nataranta ang binatang volunteer. Sa pagkataranta--at para makaiwas sa problema--basta na lang nitong iniwan ang magkapatid. Pinuntahan nito ang ibang mga ni-rescue nila na walang gaanong problema.

"Anak na put--" Pabulong na mura ni Rodel. Niyayakap nito ang kanyang nakatatandang kapatid. Putlang-putla na kasi ito sa dami na ng dugong nawawala sa rito. "Tulong!" Mamaos-maos na sigaw ni Rodel. "Tulungan n'yo ang kuya ko." Umiiyak na ito.

Paulit-ulit ang kanyang pagtawag, ngunit dahil malala ang kanilang kaso kumpara sa iba, sadyang nagpapatay malisya na lang ang mga volunteers doon. Mas lalong napaghahalatang pakitang tao lang ang kanilang pagtulong sa mga nasalanta. Sila 'yung mga taong tipo bang, sumasali lang sa gano'ng klaseng operasyon para lang masabing mabubuti silang tao.

"Diyos ko po." Hagulhol ni Rodel. "Tulungan n'yo po ang kuya ko!"

Pagkasabi n'ya no'n, natatarantang umalis ito upang humagilap ng tulong sa palibot. May ibang hinahatak na n'ya, pero ayaw namang sumama sa kanya. Ang parating sagot sa kanya, "Marami ang nasalanta, hindi lang s'ya ang nangangailangan ng tulong."

Pero ang sa kanya naman, ang kuya n'ya ang nag-aagaw buhay, kumpara naman sa iba na hindi naman. Pero, bakit walang gustong tumulong sa kanila? At bakit basta na lang sila iniwan ng lalaking nagboluntaryo kanina?

"R-Rodel..." Pa-ungol ng sugatan nitong kapatid. "Tatagan mo ang loob mo ha?"

"Kuya." Pag-iyak ni Rodel. "H'wag mo akong iiwan Kuya. Makakahanap din ako ng tutulong sa atin."

Hindi pa man din nakakatayong muli si Rodel upang humingi ng tulong, may lumapit na sa kanila na isang matandang lalaking nakakapote.

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong nito kay Rodel.

"Nasugatan po ang Kuya ko. May pako pa rin po siya sa tagiliran. Tulungan niyo po kami." Umiiyak na pagmamakaawa nito sa matanda.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

"Kapatid mo ba s'ya?"

"Opo."

"O siya, tulungan mo akong usungin s'ya sa kotse, para madala natin s'ya sa pinakamalapit na klinika o ospital."

"Naku. Maraming salamat po. Sige po."

Hindi na sila nag-aksaya ng panahon. Inusong na nila ang sugatang binatilyo sa likuran ng magarang sasakyan ng matanda.

"Maraming salamat po." Umiiyak na wika ni Rodel sa matanda matapos nilang makapasok sa Emergency room.

"Walang anuman." Sagot ng matanda. "Sige, maiwan na muna kita. Ipahahanap ko muna ang katawan ng inyong mga kapamilya. Ibinilin ko na kayong magkapatid sa management ng ospital na ito. H'wag kayong mag-alala. Sagot ko ang gastos n'yo. Sabihin n'yo lamang sa head nurse rito ang mga kailangan n'yo."

"Opo. Salamat po ulit."

Tumango muna ang matanda bago ito umalis.

***

"Ligtas na ang kapatid mo." Sabi ng lalaking duktor na sumaklolo sa kanila sa Emergency Room. "Kailangan lang n'yang magpagaling ng ilang araw."

"Ah, eh, Doc!" Pagtawag ni Rodel sa Duktor. Nakikipag-usap ito sa isang Nurse na nasa counter ng Nurse's Station.

Lumingon ito, "Bakit?"

"Sa sobrang taranta ko po kasi, hindi ko na naitanong kung sino po 'yung taong tumulong sa amin. Maaari ko po bang malaman ang kanyang pangalan?"

"Ah. Siya ba? Naku, pasensya ka na hijo. Hindi namin pwedeng i-disclose 'yun. Isa kasi siya sa mga benefactors ng Ospital na ito. Bilin na bilin niya na h'wag sasabihin sa inyo kung sino s'ya. Basta't ang sabi n'ya sa amin, asikasuhin namin kayo, at bago kayo ma-release dito, naka-plano na rin kung saang ligtas na shelter kayo dadalhin."

"Gano'n po ba? Sige po. Pakisabi na lang po sa kanya na maraming, maraming salamat po sa pagliligtas n'ya sa aming magkapatid."

"H'wag kang mag-alala. Makakarating ito sa kanya."

Nagtungo na si Rodel sa k'warto kung saan inilagak ang kanyang nakakatandang kapatid.

***

"So pa'no, Doc? Charged lang lahat sa kanya ang bills?" Tanong ng nurse sa duktor.

"Oo." Sagot ng duktor. "Pero mahigpit n'yang ipinagbabawal ang pagsasabi sa kahit sino mang natutulungan n'ya ang kanyang katauhan at pangalan."

"Bilib talaga ako sa matandang 'yon. 'Yan ang tunay na pilantropo. Tumutulong ng taos sa puso sa kapwa. Hindi katulad ng iba na pakitang tao lang."

"Oo," Anya. "Kaya nga, kahit hindi naman s'ya ang pinakamayamang taong nakilala ko, lubos-lubos ang paggalang ko sa taong 'yun. Kahit nga medyo tagilid na ang mga negosyo n'ya ngayon, hindi pa rin ito nag-aatubiling tumulong. Pagpalain nawa ang matandang 'yon at ang kanyang pamilya."

"Tama." Tumatango ang Nurse.

"Eh Doc!" Pagtawag ng staff sa station na in-charge naman sa billing. "Sorry po. Pero nakalimutan ko po ang sinabi niyong pangalan. Kaninong account ko nga po pala ulit icha-charge?"

"Ah, kay Mr. Garcia." Sagot ng duktor. "Kay Mr. Mauro Garcia."

[KATAPUSAN]

Finding Mr. Perfect Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon