KABANATA 7

55K 1.1K 74
                                    

Arthur's P.O.V.

"Pare," bungad ko kay Bernard. "Ano itong nabalitaan kong tinanggap mo ulit si Regina?" Naririto kami ngayon sa isang Restaurant para samahan si Jon na surpresahin ang kanyang nobyang si Ella para sa kaarawan nito.

"Bumalik eh. Nag-sorry. Ibinalik naman n'ya ang lahat ng kinuha niya sa akin. Well, puwera lang 'yung cash, pero kaunti lang naman 'yun."

Nagkatinginan kami ni Benj. Nakaupo ito sa tabi ni Bernard, sa tapat ko.

"Pare, nalaman mo na ang tunay na kulay." Ani Benj kay Bernard, "Magnanakaw at kaliwete, tapos tinanggap mo pa rin ulit?"

Hindi nagsalita si Bernard. Yumuko ito. Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kanya, o maaawa. Naiinis ako sa kanya kasi ginago na s'yaa, pinerahan at ninakawan ng babae, pero tinanggap pa rin n'ya nang bumalik ito sa kanya. Sa kabila no'n, naaawa rin naman ako dahil alam ko kung bakit ito nagkakaganito. Nag-iisa na kasi itong si Bernard sa buhay. Ako lang at si Mike, sa aming magkaka-barkada ang nakakaalam, kung ano ba talaga ang pinagdaanan ni Bernard sa buhay n'ya mula sa pagkabata.

Napakabata pa n'ya, nang may nangyaring trahedya sa pamilya n'ya. Napatay ng Father n'ya ang Mother n'ya, nang mahuli ng kanyang Ama ang kanyang Ina na nangangaliwa. Dahil sa nangyari, nakulong ang kanyang Ama, habang s'ya nama'y naiwan sa pangangalaga ng kanyang Lola  dahil wala naman itong kapatid, at ibang malapit na kamag-anak na may gustong kumupkop sa kanya.

Buhay pa naman ang kanyang Lola hanggang ngayon, pero nakabukod na ito rito. At dahil hindi na rin bumabata ito,  nagiging masasaktin na rin ito. Dahil doon, mas tumitindi ang takot ni Bernard na mabuhay mag-isa. Ito ang dahilan kung bakit ayaw n'ya ng walang karelasyon, kahit na ginagamit lang siya. Parati n'yang sinasabi sa 'kin, gusto raw n'yang mag-asawa nang maaga. Gusto na raw kasi niyang makabuo agad ng kanyang sariling pamilya. 'Yung matatawag n'yang kanya, para hindi na s'ya mag-iisa pa.

Ang sa akin naman. Aanhin naman n'ya ang may kasama nga s'ya pero hindi naman s'ya mahal nito.  May karelasyon nga pero pera lang ang habol sa kanya. Ang sagot naman n'ya, mas mabuti na 'yun kaysa wala. Sisiguraduhin na lang daw n'ya na may laman parati ang kanyang pitaka.

May pagka-martir ako pagdating kay Patricia. Ganun din si Jon kay Ella. Pero triple naman ang pagka-martir nitong si Bernard kumapara sa aming lahat na magkakabarkada. Pagka-martir na ako, bilang kaibigan n'ya, hindi ko kayang masikmura. Mabuti sana kung isang babae lang ito na masungit, suplada o mataray, dahil p'wede na siguro niyang pagtiisan 'yun. Pero kung manggagamit, magnanakaw, manloloko at kaliwete. Ibang usapan na 'yun. Hindi ko pwedeng hayaan na lang s'ya na magpaloko na naman sa mga babaeng ganun.

"Kilala mo ako Bernard." Sabi ko rito, "Hindi ako nakikialam, unless hingiin n'yo ang tulong ko." Tumingin ito sa akin, "Pero hindi ko mapigilan na hindi ka man lang sabihan, na hindi na tama ang ginagawa mo. Maawa ka naman sa sarili mo. May itsura ka naman at mabuting tao, you deserve better."

Napapansin kong nanginginig na ito. Tila gusto na nitong umiyak. Tinatapik-tapik ito ni Benj sa kanyang kanan; si Jason naman sa kaliwa.

"Ano ba naman 'yung tiisin mo muna ang mag-isa hanggang sa dumating ang tamang taong nakalaan para sa 'yo? Malay mo pang kaya hindi makalapit-lapit sa 'yo ang tamang babae, parati ka na lang may karelasyon na maling babaeng nakabara sa maaari n'yang daanan papunta sa 'yo?" Pinupunasan na nito ang kanyang tumutulong luha.

Huminto muna ako sa pagsasalita para makahinga ito. Nakatingin na kasi ang lahat sa kanya. Kami lang namang magkakatropa ang magkakasama. Mga chaperone kami ni Jon para sa inihanda n'yang surpresa sa kanyang nobya.

Finding Mr. Perfect Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon