KABANATA 15

43.9K 1K 53
                                    

Arthur's P.O.V.

She left me while I was asleep. Just like that, she fled away. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil parang dalawang tao na rin ang umiwan sa akin habang natutulog ako. Siya at ang anak ko; ang anak namin.

Sa pag-abandona n'ya ngayon sa akin, bigla kong naalala noong mga panahon na basta na rin lang kaming iniwan ng Itay. Ganito rin noon. Natutulog din kami nang iniwan n'ya kami. Hindi rin namin alam ang gagawin namin kinaumagahan dahil wala rin itong ibinilin o liham na iniwan.

Gan'on din ang ginawa sa akin ngayon ni Laura. Basta na lamang ito umalis. Wala man lang sulat na iniwan para sa akin. Wala ring pasabi kung sa'n s'ya pupunta, o kung babalik pa s'ya. Parang naulit tuloy ang sakit na naramdaman ko noong iniwan kami ni itay. Masama sa pakiramdam ang basta ka na lang iniwan na parang walang halaga.

Ilang araw akong daig pa ang pinagsakluban ng langit. Punong-puno ng katanungan kung bakit ginawa n'ya sa 'kin 'yun? Mga katanungang itinanong ko rin noon kay Inay tungkol sa kung bakit iniwan kami ni Itay.

Minsan, hindi ko talaga maintindihan ang buhay. Hindi ko maunawaan kung bakit kung sino pa ang mga totoong magmahal, sila pa ang nasasaktan. Hindi ko rin lubos-maisip kung bakit kung sino pa ang marunong mag-ingat, sila pa ang madalas mawalan.

Mahal na mahal ko si Laura. But I guess, she doesn't feel the same way. Katulad ni Inay na labis-labis ang pagmamahal kay Itay. Hindi pantay. Hindi patas. Parating mas nagmamahal ang isa sa isa. At kung sino sa dalawa ang mas nagmamahal, siya rin ang parating naiiwan at mas nasasaktan.

"Huwag ka nang malungkot, kuya." Pag-aalo sa akin ng kapatid ko. Dinalaw n'ya ako sa opisina ko nang mabalitaan nito kay Itay ang nangyari sa amin ni Laura. "Babalik pa naman siguro si ate Laura."

"Ganyan din ang sinabi mo noong iniwan tayo ni Itay, Rodel." Habang nagpapanggap akong busy sa pagda-drawing sa drafting table ko.

"Mukha namang mahal ka ni Ate Laura, baka kailangan lang niyang mapag-isa sandali."

"Ikaw rin ang nagsabi noon, na mukha namang mahal ni Itay ang Inay, at baka kailangan lang din nitong napag-isa sandali."

"Iba naman si Itay kay ate Laura, Kuya."

"Iba nga siguro." Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya, "Dahil si Itay iniwan din n'ya tayong mga anak n'ya, samantalang si Laura...isinama n'ya ang anak ko."

"H'wag mong sabihin na nawawalan ka na ng pag-asa?"

"May dapat pa ba akong asahan?" Sumulyap ako sa kanya sandali, bago ako bumalik sa ginagawa ko. "Mag-iisang buwan na, ni text o tawag, wala akong natatanggap mula sa kanya. Paanong hindi ako mawawalan ng loob, kung hindi man lang n'ya ako iniwan ng kahit gatiting na pag-asa? Iniwan n'ya ako nang walang kalaban-laban. Tulad ni Inay noon na kinamatayan na ang paghihintay sa wala."

"Hindi ko na alam ang sasabihin sa 'yo, Kuya." Kakamot-kamot siya, "Masyado kang matalino at may sagot sa lahat ng mga bagay."

"Matalino nga ba ako o gago? Mas tama siguro ang sabihing gago ako. Dahil nagpapakagago ako sa maling babae."

Ayokong sabihin 'yun. Pero sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, hindi ko na napigilan.

"Maling babae? Mas mali pa kay Patricia?"

"Mas mabuti pa nga siguro si Patricia kumpara sa kanya!" Padabog kong iniitsa ang mga gamit ko sa pagguhit, bago ako tumayo at inayos ang aking sarili. "At least si Patricia, hindi n'ya ipinaramdam sa akin na hindi n'ya ako gusto."

"Hindi nga siguro, pero kaliwete naman."

"Maaaring ayoko nga talaga sa kaliwete. Pero ngayon ko na-realize na mas maganda pa nga yata ang kaliwete na bumabalik-balik pa rin sa akin, kaysa sa isang taong basta na lang nang-iiwan."

"Are you saying na kung papipiliin ka sa dalawa ngayon, si Patricia na ang pipiliin mo?"

Natigilan ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Maaaring hindi ko talaga alam ang sagot, o maari rin namang alam na alam ko pero ayokong tanggapin ito dahil alam ko, dito sa puso ko, na si Laura talaga ang mahal ko. Pero dahil sariwa pa ang sakit na idinulot ng kanyang pag-iwan sa akin, mas minabuti ko nang pagtakpan ito ng...

"Patricia could be a better choice, I guess... but unfortunately, si Laura ang ina ng anak ko, wala akong magagawa kundi ang piliin s'ya, alang-alang sa anak ko."

Damn. Those words are really against what I really feel inside. But I was bitter and deeply hurt. Sobra akong nasaktan na mas ginusto ko na ngayon ang gantihan s'ya ng ganoong mga pananalita, kahit hindi naman n'ya ito naririnig.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

"May asawa na si Patricia, Kuya." Tumatawang kantyaw ni Rodel, "Kaya mas dapat si Ate Laura ang piliin mo."

"Do I have a better choice?" Tatawa-tawang pagtatakip ko sa aking dinaramdam.

"Eh di humanap ka na lang ng ibang babae."

"Anong tingin mo sa 'kin, si Itay?" Tumawa ako, pero para magpanggap na ok lang ako. "May anak kami ni Laura, at wala akong balak mang-abandona."

"Eh paano kung ayaw na nga sa iyo ni Ate Laura?"

"Makunsensya siya! Gusto ba n'yang maging bastardo ang anak namin? Napaka-selfish naman niyang ina kung gan'on. Gan'on na nga siya, idadamay pa ba n'ya ang bata?"

Napanganga si Rodel sa akin. Hindi ito makapaniwala sa mga namutawi sa bibig ko.

"Wow heavy Kuya. Ikaw ba 'yan? Halatang bitter ka, alam mo ba?" Tumawa siya ng malakas.

He's right. Pero wala akong balak ipaalam sa kanya 'yun kaya tinawanan ko na lang ito.

"No, I'm not." Kunwari'y kalamado ako, kahit umiiyak na ako sa loob, "I'm just being realistic. Ama ka rin. Kaya dapat alam mo na kapag anak na ang pag-uusapan, hindi na mahalaga ang nararamdaman mo. Sa ngayon. Hindi na mahalaga kung ano ba ang nararamdaman ko, kaya dapat gan'on din s'ya. Maawa naman sana s'ya sa anak namin na pagkakaitan n'ya ng ama, dahil lang sa pagiging makasarili niya!"

[ITUTULOY]

Finding Mr. Perfect Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon