KABANATA 16

44.8K 1K 80
                                    

Laura's P.O.V.

I've heard everything he said, from the first word down to the last. Wala kasi s'ya sa bahay nang bumalik ako, kaya pinuntahan ko na lang ito sa opisina kaysa tawagan ito sa telepono.

Masakit. Sobrang sakit ng bawat hagupit ng kanyang mga salita. Pero at least nasagot na ngayon ang maraming katanungang bumabagabag sa isipan ko.

Una na 'yung katanungang...

Pa'nong magkakagusto sa 'kin ang isang katulad niya? Guwapo, Edukado, Mabait, Matalino, Mayaman...Perpekto.

Pangalawa...

Kung bakit niya ako pinagtatiyagaan?

Noon, haka-haka ko lang na ako nga ang panakip-butas n'ya sa pagkabigo niya kay Patricia. At least ngayon, narinig ko na mismo ito sa bibig n'ya...

He will not have me kung wala pang asawa si Patricia.

He will not keep me if not for our child.

Masasakit na katotohanan na kailangan kong tanggapin dahil wala naman akong pwedeng ipagmalaki. Hindi ako malinis na babae. Wala rin akong kahit ano nang pinulot niya ako. I am nothing and a nobody when he decided to keep me.

Nanlulumo at nanghihina man, pinilit kong h'wag nang umiyak. Paulit-ulit ko na lang itinatak sa isipan ko na wala akong karapatang magalit. Wala akong karapatang masaktan. Art gave me more than I deserve, kaya wala akong karapatang maghangad ng higit pa sa naibigay na n'ya.

Gusto ko sanang hintayin ang pag-alis ni Rodel sa opisina ni Art para masabi ko sa kanya na nakabalik na ako. Pero dahil sa hirap na hirap talaga akong maitago ang kalungkutan ko, umuwi na lang ako. Inayos ko na lang ang mga bagahe ko at saka ako naglinis at nag-ayos ng bahay...ni Art.

Habang naglilinis ako, ipagpatuloy ko ang pagmumunimuni ko. Gusto ko kasing ihanda ang sarili ko sa pagdating ni Art. Ayokong may makita s'yang bakas na narinig ko ang lahat ng mga sinabi n'ya tungkol sa akin, kay Patricia at sa aming dalawa. Ayoko na s'yang bigyan ng problema, dahil wala naman s'yang ipinakita sa akin bukod sa kung gaano s'ya kabuting lalaki sa pagkupkop sa isang babaeng basahan na katulad ko.

Basahan. 'Yun naman talaga ako. Isang basahan na walang maipagmamalaking dangal. Isang basahang sira-sira at panay bahid ng putik. Putik na tinanggal niya, bagama't nanatili pa rin ang mga butas at sira.

Wala akong matutuluyan, pero binigyan niya ako ng maganda at kumportableng bahay na masisilungan.

Wala akong trabaho, pero pinakakain n'ya ako at binibilhan ng kahit anong gusto ko.

Wala akong maibigay sa kanya, pero wala s'yang naging reklamo. Kaya kung meron mang may karapatang magalit sa mga ikinilos at pag-uugali ko, siya na 'yun.

Kung saktan man niya ako...I deserve that. I'd actually prefer that, kung naging katulad siya ni Dex. I'd rather feel the pain as a consequence of my misbehavior. I want him to beat me up hanggang sa mabasag na ang mga buto ko at hindi na makatayo. I'd rather be punished for being so stupid and ungrateful because that's what I deserve. And that's what I wish he could afford to do towards me.

**?

"Sure Mr. Ocampo, bukas na lang po natin pang-usapan ang--" si, habang papalapit sa labas ng pintuan. May kausap ito sa cellphone n'ya. Napatulala ito nang binuksan ko ang pinto para sumalubong sa kanya. "S-sige po Mr. Ocampo..." Nakapako ang mga mata n'ya sa akin, "I'll see you there." Saka nito pinutol ang linya. "L-Laura?" He looked very surprised.

Finding Mr. Perfect Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon