KABANATA 18

44.6K 1K 31
                                    

Arthur's P.O.V.

Sandali akong natulala sa paraan ng pagkakasabi ni Laura tungkol sa pagtawag ni Patricia sa bahay. Nahihiwagaan talaga ako sa ikinikilos n'ya. Para kasing hindi na normal. Sa isang normal na babae, hindi ba't dapat nagagalit na s'ya sa akin? Hindi ba't mas normal kung sinalubong n'ya ako ng sumbat at sampal?

"Girlfriend?" Nasabi ko rin sa wakas, "I know no other girlfriend but you?"

"P-pero tumawag si--"

"I am aware she called here, because she also called and texted me on my cellphone. But she's not my girlfriend anymore, Laura. She was my ex."

"Magkita raw kayo sa--"

"She also texted me about the same thing." Pagputol ko sa sasabihin sana n'ya, "And I want to be totally honest with you, that I haven't seen her since we parted almost a year ago. She's a married woman now. She can't be my girlfriend."

"Pero 'yun ang sinabi niya eh." Itinatago n'ya, pero halatang-halata ko talaga ang panginginig niya. "Kaya nga sinabi ko na lang na pinsan mo ako dahil--"

"Dahil ano?"

"Dahil ayokong ako pa ang maging dahilan ng pag-aaway n'yo kung sakali man."

What the--

What kind of reasoning is that?

That's it.

Things are getting quite more obvious now. Something is really awfully wrong with her. I don't know what it is, or where it is coming from, but I am getting more convinced that there is something I need to straighten up with her.

"Laura. Mahal." Pinigilan ko ito sa kanyang balakang at mas idinikit ang sarili ko sa kanyang tiyan. "Ano ba tayo sa tingin mo, ha? Hindi ba't tayong dalawa ang magkarelasyon?"

Hindi ito sumagot. Yumuko ito.

Marahan kong inilagay ang dulo ng kanang mga daliri ko sa ilalim ng kanyang baba, upang muling itunghay ang kanyang mukha paharap sa aking mukha.

"What is wrong, Laura? What is bothering you?"

Yumuko itong muli, bago umiling.

"Mahal?" Muli kong itinunghay ang kanyang mukha, sa kaparehas na paraan. "Sabihin mo naman sa akin oh, please?"

"W-wala talaga, Art. Ok lang ako." Ngumiti siya para lamang traydurin ng pagbukal ng mga luha sa kanyang mga mata.

"Do you actually want me to believe that?"

"O-Ok lang talaga ak--"

"I know I may often seem like it, but I am not that naive, Laura." Medyo may diin ang pagkakabigkas ko sa mga katagang 'yun, "I just don't know what it is, but I am pretty sure that something is bothering you and you are not telling me anything about it."

Hinintay ko ang kanyang sagot, pero walang dumating.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi naman kasi ako manghuhula. Hiling ko, sana nga manghuhula na lang ako para hindi ko na siya kailangang tanungin. Para gagawan ko na lang ng paraan na maayos ang lahat at hindi na s'ya magkaganito.

Finding Mr. Perfect Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon