KABANATA 9

57.6K 1.1K 79
                                    

Arthur's P.O.V.

I do not normally cuss, but the horrible traffic here in Manila, is one of the shitty things I wish I never have to deal with. It drives me nuts. Lalo pa ngayong halos wala na ako sa sarili ko't animo'y tangang walang pakialam kung may makasilip man sa paghahalikan namin ni Laura sa loob ng kotse ko.

"Damn it!" Gigil na gigil ako. Tinuunan ko ang busina. Sa pagbabago kasi ng ilaw ng traffic light sa berde, may isang grupo ng mga istudyanteng j-walkers ang bigla na lang tumawid.

Sa isang normal na araw, wala sa akin 'yun. Walang reklamong pinababayaan ko lang makatawid ang gustong tumawid. Pero hindi ito normal na araw. Dahil ito ang araw na kung maaari lang ay makarating na ako agad sa gusto kong puntahan sa kisap-mata.

"Cool ka lang, Art." Tatatawa-tawang kantyaw ni Laura.

Nagbuntong-hininga muna ako bago ko ito muling hinalikan sa labi. Hindi naman siya nagreklamo, ginantihan lang n'ya ang mga halik ko.

"Art," itinulak n'ya ako nang bahagya. "Hindi ka yata naka seatbelt."

Napatingin ako at walang pag-aatubiling, ikinabit ang seatbelt bago ko muling pinaandar ang makina ng sasakyan.

Walang pinagkaiba ang traffic sa sumunod na kalye. Mas malala pa yata. Halos hindi na umuusog ito. Nakabara na kami ro'n nang mahigit sa tatlumpu't limang minuto.

"Shoot, Laura..." Bulong ko. Hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay, "I can't take this anymore." Medyo desperado na ako. Kung pwede nga lang na iwanan ko na lang ang kotse ko sa gitna ng kalye, para lakarin na lang namin ang apartment ko, gagawin ko.

"Same here, Art," Bulong ni Laura. Hindi na rin ito mapakali sa kanyang kinauupuan, "I so want you in me right now." Kinagat n'ya ang kanyang lower lip habang nakatitig sa akin.

Holy pakshet! Lalong nadagdagan ang frustration ko at desperasyon.


"Gusto mo ba, mag-hotel na lang tayo?" Sabi ko. Medyo napapakagat na rin ako sa labi ko.

"Wala namang hotel sa pinagbarahan nating ito," kinakakagat-kagat n'ya ang kanyang mga kuko sa kanang kamay. Malalim na ang kanyang paghinga na tila hinihingal. Lilinga-linga siya, sinisipat ang labas ng lahat ng mga bintanta ng aking sasakyan.

She's in heat. I'm sure of that. And so am I.

"Art!" Biglang sabi niya, "Mukhang traffic pa rin sa tatawiran nating kalye. Kumanan ka na lang, d'yan sa susunod na Street please?"

"H-ha? B-bakit? Saan tayo pupunta?"

"May maliit na motel d'yan, doon na lang tayo."

"Motel?" Nangunot ako, "maganda ba roon?"

"Malay ko." Sagot n'ya, "Hindi pa naman ako nakapasok do'n. Nadaanan ko lang 'yun, nang minsang naghahanap ako ng trabaho sa banda ro'n."

Medyo duda ako sa lugar, pero bahala na.

***

"Walang bakante." Sabi ng receptionist sa babae't lalaking nasa unahan ng aming pila. "Punuan ngayon, biyernes eh. Maraming customer ng beerhouse diyan sa tapat ang nag-check-in ng mga babae."

Finding Mr. Perfect Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon