KABANATA 2

63.1K 1K 43
                                    

Arthur's P.O.V.

I love Patricia. I really do. Kaya kahit durog na durog ako ngayon, pinag-iisipan ko pa rin ang mga susunod kong hakbang.

Should I let her know?

Should I let her go?

I really don't know.

"Ok ka lang ba?" Tanong ng nakababatang kapatid ko na si Rodel. Nagkita kasi kami ngayon sa isang fast food chain.

"Ha? Oo naman, bakit?"

"Para kasing nakatulala ka."

"Ah, wala yun, pagod lang sa part-time job ko..."

Pagod nga lang ba?

"Kuya, hindi ba masyadong mabigat ang magtrabaho sa construction, habang nang-aaral ka? Mahirap na, marumi pa."

"Ok lang yun, hindi naman habang-buhay ganun."

"Bakit kasi ayaw mong tanggapin ang tulong naming mag-asawa?"

"Rodel, ayos lang ako. 'Yang pamilya mo ang pagbutihin mo. Lalo pa at magkakaanak na kayo. 'Yung gusto n'yo itulong para sa 'kin, ibigay n'yo na lang sa pamangkin ko. Mas matutuwa pa ako."

"Pero Kuya, maayos na naman ang buhay namin, gusto lang naming ibahagi ang sob--"

"Wala nang pero-pero. Hindi ka nag-abroad at kumayod do'n para ibigay mo lang sa 'kin ang kinita mo. Ipunin n'yo na lang 'yan para sa future emergencies. Ok lang sabi ako. May mga kaibigan naman akong tumutulong sa 'kin kung magkagipitan man."

"Si Kuya talaga..." Umiiling-iling s'ya.

"Anong si Kuya talaga?" Nakangiti ako.

"Ngayon na nga lang ako makakabawi sana sa lahat ng sakripisyong ginawa mo para sa 'kin. Huminto ka sa pag-aaral para ako ang makapag-aral. Nagtrabaho ka noon para may panggastos ako...tayo. Tapos ngayon, gusto kong bumawi sa 'yo, ayaw mo naman."

"Hindi sa ayaw ko. Ang sa 'kin lang, mas kailangan mo 'yan. May isa pa naman akong trabaho bukod sa pagpa-part-time ko sa construction, mas malaki ang benefits ko ro'n kaya OK lang ako."

"Anong trabaho naman 'yun."

"Natanggap akong bagong part-time Janitor sa school."

"Janitor? Sa pogi mong 'yan, Janitor ka?"

"Ano naman ang masama sa pagiging Janitor?"

"Bawas pogi points 'yun, Kuya."

"Tsss...umuwi ka nga sa misis mo at baka hinahanap ka na." Tumingin ako sa relo, "Kailangan ko na rin kasing pumasok sa trabaho. Ikalawang araw ko lang ngayon,  baka masisante agad ako." Tumayo na ako.

"Sige Kuya. Text-text na lang?"

"Oo. Pero kapag hindi ako naka-sagot. Alam mo na. Baka wala lang akong load."

Tumawa s'ya nang malakas.

"Tatawagan na lang kita kapag hindi ka sumagot, Kuya."

Finding Mr. Perfect Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon