KABANATA 8

50.1K 1.1K 123
                                    

Arthur's P.O.V.

Ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko, pero nabigo ako. Buwisit na traffic. Buwisit na overcrowded na siyudad. Buwisit na mga kabataang bigla na lang tumatawid. Buwisit na buhay. Minsan na nga lang ako magkagusto nang ganito katindi, do'n pa sa masyadong mailap.

Ilang araw kong binalikan ang lugar kung saan ko 'iya huling nakita. Pero hindi ko na muli pa itong nakita ro'n. Ang ilang araw na 'yun ay naging linggo, ang ilang linggo'y naging buwan.

Kung ano-ano na ang nangyari sa mga buhay-buhay ng mga Katropa ko, pero tila pansamantala namang tumigil ang mundo ko. Daig ko pa ang isang mumong nakabara sa drainage ng lababo...hindi ako makaisod, naghihintay nang walang pagod.

Pormal na kaming naghiwalay ni Patricia. Hiniwalayan na ni Bernard si Regina. Tuluyan nang iniwan ni Ella si Jon. Sandaling nagkagalit at pansamantalang nagkahiwalay na ang mag-asawang si Jason at si Helga. Pero heto ako...naghihintay at naghahanap pa rin kay Laura.

Nasaan na kaya siya?

Bakit tila yata ipinagbabawal ng tadhana na muli kaming magkita?

Bakit ba ang malas ko?

At bakit patay na patay ako sa babaeng, iniiwasan naman ako?

Nag-vibrate ng phone ko. It was Judge Raul Romero, calling.

"Art!" Bungad agad nito, hindi pa man din ako nakakapag-hello.

"Po?"

"Magmadali ka. Ang kaibigan mo!" Halata sa boses nito ang pagkataranta.

"Bakit po?"

"Puntahan mo na lang kami sa malaking Ospital, dito sa malapit sa amin."

Hindi na n'ya hinintay ang sagot ko. Pinutol na nito ang linya.

Grabe ang nerbyos ko. 'Yun kasi ang kauna-unahang pagkakataon na tinawagan ako ng bigating ama ng bestfriend kong si Jonathan. At nang binanggit nito ang Ospital, kinabahan na ako.

Ano na naman kaya ang nangyari kay Jon, this time? 'Na naman' dahil simula nang iniwan ito ni Ella, kung ano-anong aberya na ang nangyari sa kanya. Aberyang katulad ng: diumano'y aksidente n'yang naibangga ang kanyang kotse sa pader at pagbibigting naunsiyami dahil bumigay ang sinabitang kesame.

Damn idiot! Malaki talaga ang sayad sa tuktok. Naging suicidal na ang loko simula nang malaman nitong nagpakasal na si Ella, sa isang matandang Amerikano.

Ang tanong...ano na naman kaya ang ginawa niya ngayon?

"Sira ulo ka ba?!" Bulyaw ko sa kanya nang malaman ko na ang bagong suicide gimik niya, "Nang dahil lang sa babae, magpapakamatay ka?" This time, medyo seryoso na kaya pinagalitan ko na ito. Hindi na kasi biro ang ginawa nitong paglalaslas sa sariling pulso.

"Putang ina niya!" Galit na galit ito, habang nakaupo nang pasandal sa kama.

"Sa kanya ka galit, pero ang sarili mo ang pinaparusahan mo?" Nanggagalaiting pagsabat ko.

Umiyak lamang ito na tila isang batang paslit.

"Puke ng ina n'yang hindot siya!" Anito habang humahagulhol, "Alam mo bang pera ko pa ang ginamit niya para makabili siya ng ticket papuntang Amerika? Putang inang manggagamit! Mukhang pera! Mag-crash sana ang eroplanong sasakyan n'ya!"

Finding Mr. Perfect Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon