KABANATA 12

47.5K 1K 69
                                    

Arthur's P.O.V.

Katulad ng inasahan namin at ng babala ni Papa. Hindi naging maganda ang reaksyon ni Dex nang malaman nito ang tungkol sa amin ni Laura. Nagwala ito sa selda, kung saan ito nakakulong dahil sa kasong multiple counts of rape, sexual assault, harassment at iba pang hindi ko na maisa-isa pang kasong isinampa sa kanya--ng hindi lang isa o dalawa kundi--ng limang babae. Lahat ay determinadong maidiin ito sa kaso.

Pero gasino lang ba ang pagwawala n'ya? Kahit hindi pa ito nakakulong, hindi ako natatakot sa kanya. Para sabihin ko sa kanya, handa akong ipaglaban ang pagmamahal ko Laura, kahit na umabot pa hanggang impyerno ang aming gera.

***

"Ibang klase rin ang tama mo sa chick mo ah." Panunukso sa akin ni Luke, "Matindi." Humahalakhak ito.

"Ows talaga?!" Pagsabat ni Benj. "Mas matindi pa sa tama n'ya noon kay Patricia?"

"Iba na raw kasi 'to mga Pare eh." Pagsingit ni Bernard, "Ito na raw kasi 'yung, The One."

"S'yanga?" pagsali ni Jason. "Congrats pare."

"So, tuloy na talaga ang pagpapakasal niyo?" si Tristan naman.

Hindi ako nagsalita. Kinantyawan nila ako.

"O, anong drama 'yan?" tanong ni Jon nang napansin nitong napayuko ako.

"Umatras s'ya." Malungkot kong sambit. "Ipagpaliban na lang muna raw namin hangga't hindi pa kami sigurado sa isa't-isa?"

"Ano?!" Sabay-sabay nilang tanong.

"Bakit, hindi ka pa ba sigurado sa kanya?" tanong sa akin ni Jason.

"Sigurado na." Sagot ko.

"O, eh bakit gano'n?" si Benj.

"Eh hindi nga ako ang may ayaw. Siya!"

"Eh bakit nga raw?" si Benj ulit.

"Kasasabi ko lang eh." Kakamot-kamot ako. Daig ko pa kasi ang isang sirang plaka na uulitin na naman ang sasabihin ko. "Gusto nga raw muna n'yang ipagpaliban hangga't hindi pa kami nakakasiguro sa isa't isa"

"O, di ba sigurado ka na nga?!" si Benj ulit.

Bago ako nakapagsalita, pinupok ito ni Tristan ng isang platitong may mani.

"Ang bobo mo naman Rodriguez!" Kantyaw nito kay Benj. "Kumain ka nga ng mani, oh!" Sabay sungalngal dito ng ilang butil ng mani. "Para tumalino ka naman!" Sinundan ito ng paghalakhak.

"Putang ina mo, Cuevas!" Habang pinupunasan n'to ang kanyang bibig. "May araw ka rin sa 'kin, hayup ka!" Sabay tawa.

"Namo rin!" Singhal ni Tristan sa kanya, "Palibhasa 'yung isang klase ng mani 'yung kinakain mo parati kaya pumupurol 'yang utak mo!" Tumawa ulit ito nang pagkalakaslakas.

"Inggit ka lang!" Sagot ni Benj sa kanya, "Palibhasa wala kang choice kundi ang mga potangenang ginisang mani na 'to." Itinuturo ang isang platitong mani ipinukpok sa kanya kanina.

"Anong mani ba 'yang tinutukoy niyo?" Nakabungisngis na tanong ni Bernard.

"Mani de pataranta!" Pagsingit ni Jon na may kasamang halakhak.

"Mani de Pataranta?" magkasalubong ang mga kilay ni Jason.

"Oo.'Yun 'yung may natataranta kapag kinakain mo." Taas-baba ang mga kilay ni Jon. Animo'y matatae rin ito sa pagpipigil sa pagtawa

Nakakunot pa rin ang noo ni Jason. Palibhasa'y konserbatibong probinsyano kaya hindi nito ma-get ang green joke.

"Anong klaseng mani 'yun?" Napaka-inosenteng tanong nito.

Nagtawanan ang lahat.

"Pwede bang pakainin niyo rin ng mani ang potangenang ito?!" Pagpaparinig ni Jon sa lahat--itinuturo nito si Jason.

Lalong lumakas ang tawanan at kantiyawan namin.

"Hindi nga. Ano nga 'yun? Meron bang ganun?" Hirit ulit ni Jason.

"May nobya kang tao tapos hindi mo alam kung ano ang 'Mani de pataranta?'" Nakangising banat ulit ni Jon kay Jason.

Nagtawanan ulit ang lahat. Kakamot-kamot pa rin si Jason. Hindi pa rin nito ma-get ang green joke. Naawa na ako kaya ibinulong ko na sa kanya ito.

"Ang babastos n'yong mga tarantado kayo!" Natatawang bulyaw ni Jason sa lahat nang malaman na n'ya.

"Hipokritong 'to!" Sagot ni Tristan, "Para namang hindi mo pa natikman 'yun!"

"Tumigil ka na ha!" Singhal ni Jason kay Tristan na may kasamang pagduro.

"Yes...Lolo." Nang-uuyam na sagot ni Tristan kay Jason. Sinundan ito ng mga hagikhikan. "Si Lolo talaga, masyadong conservative. Para mani lang eh, umiinit na agad ang betlog" Nag-high-five sila ni Jon.

"Siya tama na nga 'yan." Pag-awat ko. "Mamaya n'yan, magkapikunan pa kayo."

"Si Lolo lang naman ang pikon dito." Humahagikhik na hirit ni Benj. "Si Lolo Toledo."

"Sige. Seryoso na." Pagsingit ni Luke. Nakatingin ito sa akin. "So, ganun na lang? Live-in lang ang gusto n'ya?"

"Parang ganun na nga." Napapabuntong-hiningang sinabi ko.

"Sa pa'no 'yun? Ok lang ba sa 'yo 'yun." Tanong ni Jason.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

"Of course not." Sagot ko, "Ang hirap kaya ng pakiramdam na anytime pwede n'ya akong basta na lang iwan."

"So anong plano mo?" Si Tristan.

"Kung ayaw pa n'yang matali sa 'kin," Sagot ko, "Sisiguraduhin ko na lang na matindi na ang kapit ko sa kanya."

"Eh ano nga ang gagawin mo kung ayaw pa niyang magpakasal sa 'yo?" Hirit ni Jon.

"Magde-deposito na ako." Seryosong sagot ko. "At sisiguraduhin kong may interes na agad ito."

Nakatinginan silang lahat. Nakakunot ang mga noo.

"What do you mean?" Tanong ni Luke. "Babayaran mo s'ya?"

"No."

Natatawa ako. Hindi kasi ako makapaniwala na maging ang napakatalinong si Luke, hindi nakuha ang ibig kong sabihin.

"Eh ano?" Sabay-sabay nilang tanong.

"I'll make her..."

Nakanganga ang mga loko sa akin, mga atat  na naghihintay sa susunod kong sasabihin.

"Make her what?" tanong ni Jason.

"Pregnant."

[ITUTULOY]

Finding Mr. Perfect Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon