KABANATA 20

51.4K 984 47
                                    

Laura's P.O.V.

My life was a hopeless mess before Art came into my life. Noon, akala ko, panghabang-buhay na akong mananatili sa dilim--kung saan pilit akong inilugmok ng kinilala kong ina at ng dating kong nobyong abusado.

Akala ko, hindi na ako makakaalis do'n. Akala ko, tadhana ko na talaga ang maging punching bag at parausan ng isang demonyo. Mabuti na lang pala at hindi naman 'yun ang itinadhana ng Diyos para sa akin.

Matapos ang limang taon, nahatulan na rin sa wakas ang walanghiyang si Dex. Hindi man ako nakasama sa maraming babaeng nagsampa ng iba't-ibang kaso laban sa kanya, masaya na rin ako na nakamptan nila ang hustisya, na para bang, isa na rin ako sa nakakamit nito.

Noong una, gusto ko sanang sumali sa kanila para tuluyan nang maparusahan si Dex sa lahat ng mga ginawa nito sa akin. Pero nang malaman ko na may mas malala pa pala itong ginawa sa ibang may hawak na mas matitibay na ebidensyang siguradong makapagdidiin sa kanya, hindi na ako nakisali pa. Wala rin naman kasi akong matibay na ebidensya at maraming saksi. Kung meron man akong iilang saksi, isa na si Art iilang 'yun. I do not want to drag Art's name into my mess. Ayoko rin na magka-official record ang mga bagay na ayoko nang maalala pa.

Being sexually and physically assaulted and abused is traumatic enough for me. Having a permanent record of what exactly happened to me--which will serve as a constant reminder of my misfortune, will not help me move on. Mas mabuti na ang walang record. Kapag walang record, mas madali kong maikukundisyon ang sarili ko na isang masamang panaginip lang ang nangyari sa akin. Hindi ko naman sinasabing tama 'yun para sa iba, pero sapat na 'yun para sa akin.

Speaking of moving on. I have indeed, moved on. Naalala ko pa rin ang lahat ng kamalasang nangyari sa akin, pero hindi ko na matandaan ang eksaktong pakiramdam.  Malaking bagay ang nakahanap ako ng isang taong tinanggap ako nang buong-buo, na siya ring naghilom sa bawat nagnanaknak na mga sugat na minsang nanakit sa aking buong pagkatao.

Si Architect Arthur "Art" Falcon Montero.

The former working student slash humble Janitor, who actually happened to be one of the two legitimate heir of the multi-billion real estate magnate, Don Rodrigo Montero.

He's the tough good guy who saved me from a couple of unpleasant circumstances.

That extraordinarily handsome, sexy, sweet and sensitive guy who treated me like a queen, in spite of my unfortunate past.

That guy, who entrusted me with his name and fathered my two sons.

That guy...

That wonderful gentleman kept me as he made my difficult life worth living.

"When I grow up, I want to be like my Dad." Proud na proud na wika ni Patrick nang tinanong ito ng emcee, sa once in a blue moon family reunion ng mga Montero.

"And why is that?" Tanong ng emcee na nagpa-tula kay Patrick sa program.

"I also want to be a good father to my kids one day." Narinig ko ang oohs and aahs sa audience. "And a good husband to my future wife." Napalingon ako sa biyenan ko. Pinupunasan nito ang kanyang maluhaluhang mga mata.

"Hindi ba masyado ka pang bata para isipin ang mga ganyang bagay?" Tanong ulit ng babaeng emcee sa kanya, "Ilang taon ka na ba, Patrick?"

Finding Mr. Perfect Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon