KABANATA 14

41.7K 1K 36
                                    

Laura's P.O.V

I don't know what's the real deal, but Art is acting really weird. Bukod sa menacing facial expressions n'ya kapag nagtatagpo ang aming nga mata, naninibago rin ako sa biglaang pagiging "sobrang" hilig niya sa...alam n'yo na siguro kung ano.

Dati rati, isang beses every three days lang s'ya nangangalabit. Ngayon, tatlong beses na sa isang araw. Kundangan ba naman na kung kailan s'ya nagkakaganito no'n pa parating naglalaho lagi ang mga pills ko.

"Mahal..."

Oh my gosh! Heto na naman s'ya. Pilit idinidiin ang sarili n'ya sa bandang likuran ko. Isinisiksik di n'ya parati ang kanang kamay n'ya, sa kanang singit ko.

Ano ba yan? Tumagilid na nga ako sa pagkakahiga ko, at naglagay na rin talukbong, pero tila hahamunin na naman n'ya ako sa gera na tila isang tandang na atat sa inahin.

"Na naman?" Pag-ungot ko. "Nakadalawa na tayo ngayong araw na ito ah."

"Kanina pang umaga yun." Bulong n'ya. Kinakagat-kagat niya ang aking kanang tenga. "Iba naman ngayon..." iniakyat n'ya ang kanyang kamay para pisilin ang aking kanang dibdib.

Shems.

Paano ba ako makakahindi sa lalaking bukod sa napaka-sexy, napakabango at napakaguwapo...napakagaling pa pagdating sa "ano".

"Gosh Art!" Yes, right. As usual.

Lintek na lalaki. Kung bakit naman kasi ang galing niya. Galing na kahit ayaw mo, mapa-oo ka. Galing na kahit anong tino mo, maloloka ka pa rin.

"I love you, Laura..."

Hindi ako mapakali. Pilit kong pinananatili ang aking katinuan. Iniiwasang magwala habang sinusundot ako ng kanyang galit na galit na panungkit.

He's good. Really good. Pero teka, ano ba itong nararamdaman ko. Shit, nasusuka ako. Nasusuka nga ako, shit!

"Hey!" Sigaw ni Art, sa biglaan kong pagkalas, patakbo sa banyo.

Hinabol niya ako, pero agad ko namang naisara ang pinto.

"What's the matter?" ani Art mula sa labas. Kinakatok niya ang pinto ng banyo. "Are you alright?"

Hindi ako nakasagot. Pilit isinusuka ang mga dapat isuka, bagama't wala namang lumalabas.

"I'm ok." Sigaw ko sa kanya. Naghihilamos ako ng mukha.

Pinagmasdan ko ang mukha ko sa salamin habang tinutuyo ko ito ng puting tuwalya. Pilit iwinawaksi ang isang bagay na pilit dumadapo sa aking alaala.

Nasuka na naman ako.

Tatlong araw na akong ganito.

Tatlong araw nang masama ang timpla ko sa umaga at gabi.

Tatlong araw na rin akong hindi mapakali.

* * *

"Congratulations." Anunsyo ng OB GYNE matapos nitong makuha ang resulta ng aking tests. "You're pregnant."

Finding Mr. Perfect Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon