KABANATA 11

51.6K 1K 50
                                    

Laura's P.O.V.

Infidelity? Hindi ba usually babae ang namomroblema tungkol sa mga bagay na 'yun? Sobrang makahulugan expression ng mukha n'ya nang sinabi n'ya 'yun. Na-curious tuloy ako kung bakit naging gano'n ang naging desposisyon n'ya.

"Hey." Bulong niya sa akin. Nakayakap ito mula sa aking likuran.

Naririto kami ngayon sa verranda ng mansyon ng father n'ya. Kung saan s'ya mismo ang nag-set up ng dinner para maipakilala n'ya ako bilang nobya n'ya sa pamilya n'ya.

"Bakit?"

"Tara na sa dining room." Anya. Tinataniman n'ya ako ng mga halik sa bandang tenga. "Naroon na si Itay, si Rodel, ang hipag ko at pamangkin."

"Sila lang?"

Agaran ang naging pagsimangot n'ya.

"Bakit? May inaasahan ka pa bang iba?"

"S-si De--" Si Dex ang gusto kong sabihin.

Bumitaw s'ya sa akin. "Bakit mo sim'ya hinahanap?"

"Hindi naman sa ganun Art," Sagot ko, "Pero hindi ba't magkapati--"

"Hindi ko s'ya kaano-ano."

Hindi ako nakapagsalita agad. Pilit kong inaanalisa ang naging reaksyon n'ya. Masyado siyang seryoso. Matatalim din ang tingin n'ya sa akin na tila galit na galit ito.

"Hoy," Tinapik ko ang kanyang dibdib. "Huwag mong sabihing nagseselos ka? Seloso ka ba?"

Tinitigan muna n'ya ako nang matagal. "Bakit? May dapat ba akong ipagselos? Mahal mo pa ba s'ya?"

Nagulat ako sa paraan ng pagtatanong n'ya. Hindi tuloy ako nakapagsalita.

"Mahirap ba ang tanong ko?"

"H-hindi naman sa ganu--"

"Tayo na! Hinintay na tayo ng pamilya ko." Akmang tatalikod na s'ya na hindi man lamang kinuha ang iniaabot kong kamay ko.

"Teka muna, Art." Kasabay ng paghila ko sa kanyang braso. "Galit ka ba?"

Tumingin muna ito sa kawalan, nagbuntong-hininga bago muling bumaling sa akin.

"Bakit? May dapat ba akong ikagalit?"

Kakaiba talaga ang aura niya. Parang hindi s'ya ang Art na kilala ko. Ito kaya ang "flaw" ni Mr. Perfect? Ito na ba ang quirk n'ya na ngayon ko pa lamang makikita?

"Bigla kasing nagbago ang mood mo, simula nang tinanong ko si--" Hindi ko masabi ang pangalan ni Dex sa pag-aalalang lalo siyang magalit sa akin. "Seloso ka ba? H'wag ka naman magselos oh, alam mo naman na hindi iyon ang ibig kong sab--"

Napahinito ako sa pagsasalita nang niyukuan n'ya ako para ilapit sa aking mukha ang kanyang mukha.

"Hindi ako selosong tao."

"Yun naman pala eh baki--"

"Map'wera lang pagdating sa 'yo."

Finding Mr. Perfect Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon