KABANATA 5

54K 1.1K 105
                                    

Arthur's P.O.V.

"Eh 'Tay!" Ani Rodel, habang nakasakay na kaming muli sa kotse ni Itay. "Ano po ba kayo? Ano po ang propesyon n'yo, bukod sa mga negosyo n'yo?"

"Isa akong Arkitekto," sagot ni Itay, "Ikaw? Ano ba ang natapos mo?"

"Ah...eh...vocational lang po ang natapos ko. Pinag-aral po ako ni Kuya para makapag-abroad ako."

Tumingin sa akin si Itay, nginitian ako, at saka ako tinapik sa balikat.

"Gusto mo bang mag-aral ulit?" Tanong nito kay Rodel.

"Gusto ko po kung puro recess, bakasyon at sem break lang." Tatawa-tawa ito, "Hindi po kasi ako kasing talino at kasing sipag mag-aral ni Kuya."

"Hay naku, Itay..."Pagsigit ko, "Kung nalalaman n'yo lang ang sakit ng ulo ko d'yan noong high school 'yan. Puro pagbubulakbol at babae ang inatupag. Mabuti nga at kahit papa'no, naigapang ko 'yan sa vocational course. Dahil kung hindi, baka tambay lang 'yan sa kanto at nagpapalaki ng tiyan."

Sabay-sabay kaming nagkatawanan sa mga ibinuking ko tungkol kay Rodel. Ganoon naman talaga ang kapatid ko, masyadong happy-go-lucky.

"Ikaw ba," Pagbaling sa akin ni Itay, "Ano ba ang kurso mo? Anong year mo na?"

"Ah... eh... Archirecture po," Kakamot-kamot ako, "Fourth year irregular po ako dahil isa't-kalahating taon po akong tumigil sa pag-aaral. Pinauna ko po muna itong si Rodel na makatapos."

Napatulala sa akin si Itay; naluluha.

"Ayan 'Tay." Masiglang bulalas ni Rodel, "May tagapagmana ka na ng imperyo mo!Pareho kayong Arkitekto at magaling ang ulo. Ako, ok na sa akin ang maging dakilang alalay." Humalakhak ito. "Tagamasahe at tagapagpaypay."

Natawa si Itay sa tukmol kong kapatid. Hinawakan n'ya ito sa ulo, at saka ginulo ang buhok nito na tila sa isang batang-paslit.

"Mag-aral ka na lang, huwag ka na munang magtrabaho, Art." Ani Itay sa akin. "Para matapos mo na ng maayos ang kurso mo."

"Pero itay..."

"Wala nang pero-pero, Art. Narito na ako. Sana naman, bigyan n'yo ako ng pagkakataong maituwid ang mga pagkakamali ko. Gusto kong mag-concentrate ka na lang sa pag-aaral. Kung hindi pa kayo handang sumama sa 'kin sa bahay, nakikiusap ako na tanggapin n'yo man lamang ang sustento ko. Itigil mo na ang pagja-Janitor mo sa school. Gusto kong makapag-aral ka nang mabuti, para naman matapos mo na 'yang karera mo."

Hindi na ako nagreklamo pa. Nginitian ko na lang ito. Ginulo rin nito ang buhok ko nang...

"Nakaw, Itay!" Bulalas ni Rodel, "H'wag niyo pong guguluhin ang buhok ni kuya Art kung ayaw n'yong magka-black eye!" Humahagikhik ito habang sinasabi 'yun.

"Siya nga?" Natatawang sagot ni Itay.

"Opo, 'tay." Humalakhak ito. "Madalas 'yang napapaaway nang dahil d'yan. Guluhin mo na ang buhay niya 'Tay, huwag lang ang kanyang buhok."

Tumawa nang tumawa si Itay. Ako naman, napapangiti lang. Sanay na ako sa pang-aalaska ng kapatid ko. Amindo rin naman kasi ako na ayoko ngang ginugulo ang buhok ko.

Finding Mr. Perfect Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon