KABANATA 1

110K 1.3K 126
                                    

Arthur's P.O.V.

"Ano ba naman 'yan Art?!" Pang-aabala na naman sa akin ng walang kasing kulit kong matalik na kaibigan.

Si Jonathan. Jonathan "Jon" Romero. Isang napakatamad mag-aral na pre-law student. Hindi ko alam kung papa'nong sa kabila no'n, napapabilang pa rin ito sa dean's list.

"Shhhhh!" Sumenyas ako na manahimik s'ya. Alam naman n'yang naririto kami sa Library, ang ingay-ingay!

"Oo na..." Marunong din naman palang bumulong ang loko. "Samahan mo naman ako kina Ella oh."

"Ano?" bulong ko. "Nobya mo 'yun ah, bakit hindi ka pumuntang mag-isa mo. Kita mo nang ang dami kong ginagawa eh."

"Ano ba kasi 'to?" sabay dampot nito sa prototype house na binubuo ko. "Doll house? Ang liit naman! Kahit Barbie hindi kakasya d'yan ah."

"Bitiwan mo nga 'yan." Pinipilit kong abutin, pero itinaas nito ito. Sadyang inaasar ako ng gago. Matangkad din naman ako, pero mas matangkad nga lang sa 'kin ang luko-luko. Kaya heto, ginagamitan na naman ako ng vertical advantage n'ya.

Anak mayaman ang kaibigan kong ito, pero ubod ng gaslaw. Kung hawakan n'ya ang prototype house ko tila, wala itong pakialam kung mailalaglag man n'ya ito. Ilang linggo ko nang binubinong gawin 'yun, tapos ginaganun lang n'ya? Teka...

Pinukpok ko siya ng 'Telescopic Art Tube' sa ulo. Ang kulit eh!

"Bakit ka ba namumukpok?!" Hinaplos-haplos nito ang kanyang bumbunann habang ibinaba nito ang pinakaiingatan kong project.

"Ang kulit mo eh! Mag-aral ka nga! Finals na next week ah!"

"Ano pang aaralin ko eh alam ko nang lahat!"

Ito na nga 'yung sinasabi ko. Napakatamad mag-aral ng taong ito, pero ubod naman ng talino. S'ya 'yung tipo ng tao na isang beses lang n'ya babasahin ang libro, memorize na n'ya agad. Siguro nga, 'yun na ang isa sa mga dahilan kung bakit bagay sa kanya ang maging isang Abogado.

"Ang yabang mo... umalis ka nga diyan!" Sabay tabig ko sa kamay n'yang nakapatong sa blueprint ko.

"Anong mayabang? Eh sa alam ko na nga eh! Tara Art, kung ayaw mo akong samahan kina Ella, labas tayo! Inuman tayo!"

Inuman? Tanghaling tapat?!

"Kung ayaw mong mag-aral, huwag kang mandamay. Marami pa akong gagawin."

"Maraming gagawin?! Kailan ka ba nawalan ng gagawin?"

"Exactly!"

"Killjoy naman nito." Bulong n'ya.

"Anong sabi mo?!" Singhal ko.

"Wala!" Anya, sabay tindig, "Ang sabi ko magka-hairstyle kayo ni Bonifacio." Ginulo n'ya ang buhok ko. Tinampal ko naman ang kamay n'ya

Ang gaslaw talaga. Wala akong masabi. Humalakhak siya nang malakas habang pinagmamasdan n'ya ang pag-aayos ko sa buhok ko.

"Shhhhhh!" Masungit na pagsuway sa kanya ng librarian.

Tinakpan ni Jon ang bibig n'ya, sabay pakita ng peace sign na masugit na matandang librarian.

"Yan, ang kulit mo kasi!" Bulong ko.

Finding Mr. Perfect Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon