Thirty Ninth

8.5K 242 93
                                    

— Hayley's Point of View —

                Tuesday. Pinaka-ayaw kong araw. Kung sa iba, Monday ang pinaka-ayaw nila, ako Tuesday. Ewan ko kung bakit. ‘Wag niyo na lang akong tanungin. Masyado ako maraming iniisip para isipin pa kung bakit pinaka-ayaw kong araw ang Tuesday.

                ‘Di ko na alam kung ano ang gagawin ko kay Dylan. Mababaliw na ako sa kanya. I mean, oo dati pa talaga ko baliw na baliw sa kanya, pero iba ‘tong pagkabaliw na nararamdaman ko ngayon, eh. Ito na ‘yong tipong masisira na ang ulo ko dahil lang sa kakaisip sa kanya. Hindi siya nawawala sa utak ko!

               

                Bwisit. Ang lakas ng tama ko sa kanya. Ginayuma ako ng hayop na ‘yon.

                Sana hindi ko na lang siya nakilala. Sana hindi ko na lang siya nagustuhan para hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon. Kung sino kasi ‘yong tao na pinaka-nagpapasaya sa’yo, sila rin ‘yong taong kaya kang saktan ng sobra.

                “Saan ka pupunta?” nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni Ken. Naglalakad-lakad kasi ako papalayo sa dorm namin na siyang dapat kong puntahan ngayon dahil uwian na.

                “Umm…wala. Magpapahangin lang.” sagot ko sabay ngumiti ng pilit. Ang hirap talagang ngumiti ngayon. “Sama ka?”

                Ngumiti rin siya. “Sige na nga.”

                Sinabayan niya ako sa paglalakad at ilang minuto ang lumipas ng walang nasasalita sa aming dalawa. Napakatahimik namin, pero hindi naman akward.

                “Alam mo,” binasag ni Ken ang katahimikan. “Salamat, ha?”

                Napatingin ako sa kanya. “Para saan?” Bakit siya ang nagpapasalamat sa akin? Eh di’ba, mas marami pa nga siyang nagawa para sa akin.

                “Sa pag-ngiti mo.” Natigilan ako bigla sa mga sinabi niya kaya nagpatuloy lang siya sa pagsasalita. “Alam ko kasi na ang hirap ngumiti kapag sobra kang nasasaktan at nagpapasalamat ako kasi kahit na para sa akin lang, pinipilit mong ipakita ‘yong mga ngiti mo.”

                Napangiti ako. This time, hindi na pilit. Kasi napangiti talaga ako dahil sa mga sinabi ni Ken. “Sus, wala ‘yon.”

                Nagapatuloy ulit kami sa paglalakad at nanumbalik ulit ang matinding katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Ken.

                “Ay! Muntik ko nang makalimutan. Oh,” inabot sa akin ni Ken ang isang lollipop.

                Inabot ko naman ito. “Para saan naman ‘to?”

                “Wala lang. Kasi di’ba ‘nong isang araw, gusto mo ng lollipop? Kaya ‘ayon. Sorry kung medyo na-late.” Paliwanag ni Ken at saka tumawa ng mahina.

When She Courted HimWhere stories live. Discover now