Thirty Fifth

5.9K 196 58
                                    

— Hayley's Point of View —

                Lumipas ang ilang araw at linggo at maraming bagay ang nangyari at nabago. Medyo kakaiba dahil hindi ko na muli pang nakita na umiyak si Scarlett. Oo, tahimik pa rin siya at mahahalata mong malungkot pa rin siya pero mapapansin mo rin na para bang mas matibay na siya ngayon.

               

                Nakahanap na kaya ng panibago?

                Ay joke. Meron pa lang 3-month-rule.

                Pero sandali, bakit pa kailangan ng rule na yun kung hindi naman talaga naging “sila?”

                Pero alam niyo ba kung ano talaga ang ikinakabahal ng beauty ko? Si Dylan.

                Oo, si Dylan na naman. Palagi na lang siya.

                Eh kasi siya lang naman talaga.

               

                Ilang linggo na siya nagiging cold sa akin. I mean, alam ko naman na ganun talaga siya. Masungit. Suplado. Alam ko naman na ganon siya palagi. Pero iba ‘to, eh.

                Iba ‘yong pagiging cold niya sa akin ngayon. Iba ang aura niya pagdating sa akin.

                Iba rin ang aura niya pagdating kay Fien.

                Katulad na lang ‘nong isang araw. Niyaya ko siyang makipag-foodtrip kasama ko. Libre ko na lahat.

                “Bakit? Hindi mo ba kayang magfoodtrip mag-isa?” sabi niya sa akin. “Foodtrip ka nang foodtrip, kaya ka tumataba, eh.”

                Hindi ko na pinansin ang huli niyang sinabi, kahit na medyo masakit. Mataba ba talaga ako? “Kaya ko naman. Pero sumama ka na! Libre ko na nga lahat, eh.”

                Malamig lang ang tingin niya sa akin.

                “Wala akong pakialam.”

                Aray naman.

                “Pero masarap ‘yon! Masasarap  ‘yong mga pagkain don promise! Mag-eenjoy ka!”

                “Hindi ako mahilig sa streetfoods.”

               

                “O-Okay lang! Hindi naman puro streetfoods ang makakain don! May mga beef at steak rin naman sila doon!” Pangungumbinsi ko. Sige na, Dylan, pumayag ka na. Miss na kaya kita. Tagal na natin hindi nakakapagdate.

When She Courted HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon