Ninth

13.4K 244 28
                                    

— Hayley's Point of View — 

                “Ano yun? Sa’kin mo nalang sabihin yung mga sasabihin mo sa kanya.”

                Nanlaki yung mata ng mga babaeng kasama ko ngayon at nag-freeza bigla. Dahil rin sa curiosity na malaman kung sino yun, lumingon din ako.

                “Prince Ken…” sabi ng mga babae.

                Prince? Seriously? Oo alam kong adik ako kay Dylan at pogi si Ken pero kahit kelan hinding-hindi ko sila tatawaging Prince!

                “Hmm? Di’ba may sasabihin kayo sa kanya? Ano yun?” tanong niya ulit habang nakangiti at habang papalapit na naglalakad papunta sa amin.

                Nagtitnginan na yung mga babae at hindi na nakapagsalita pa. Habang ako naman, nakatayo lang dun, pinapanuod sa kung ano ang mga next na pwedengmangyari. Woohooo! Go Ken!

                Knight in shining armor lang ang drama niya ngayon?

                Pinulot ni Ken yung mga gamit na nahulog sa lupa at nilagay ulit yun sa loob ng bag ko. Nang malagay niya na, inabot niya ito sakin.

                Tinignan niya muna yung tatlong babae at nilapitan ito. Kinuha niya yung ID ng nasa gitna at binasa ito. “Sophomores.” Sabi niya.

                “Nakakagulat isipin na ang mga sophomore students natin ditto ay nakakaya ng gumawa ng mga ganitong klaseng bagay. Mga bagay na kahit kaming mga Seniors ay hindi mo makikitang ginagawa.” Sabi ni Ken.

                Ha? Anong klaseng bagay? Anong ibig-sabihin niya?

                “Sophomores palang kayo, pero nagulat ako nang makita kong nakakaya niyong makipag makipag-away sa mga mas nakakatanda sa inyo.” Ohaaaa! Yan! Na-sermonan tuloy kayo! Mwahahaha.

                “Anong gusto mong gawin sa kanila, Hayley?” tanong sakin bigla ni Ken.

                “H-Ha? W-wala naman. Pabayaan mo nalang, hindi naman yata nila yun sinasadya.” Ayt. Anong hindi sinasadya?! Kita mo nang kinakawawa ka na nila kanina tapos papatawarin mo pa sila?

                Eh! Hayaan mo na. Forgive and forget nalang.

                “Sigurado ka?”

                “O-oo.”

                Hindi na nagsalita si Ken. Hinintay rin naming siya sa susunod niyang sasabihin pero matagal siyang natahimik at parang nag-iisip.

                Nagbuntong hininga siya. “Sige, papalagpasin ko kayo ngayon. Iisipin kong walang nangyari at nakita ngayon. Pero sa oras na malaman kong ginalaw niyo nanaman siya, I’m telling you, hinding-hindi na kayo makakapasok pa sa loob ng school campus namin.”

                Oh, pamangkin pala ng principal si Ken kaya naman pwedeng ma-kick out ang mga babaeng to kapag isusumbong sila ni Ken sa tita niya. Wala lang, in-explain ko lang.

                “O-opo.” Nauutal na sabi nilang tatlo. “Sorry, Prince Ken.”

                “Bakit kayo sakin nagso-sorry? Sa kanya kayo mag-sorry.” Tinuro ako ni Ken.

When She Courted HimDär berättelser lever. Upptäck nu