Seventh

13.6K 268 20
                                    

— Hayley's Point of View —

                Matagal kaming natahimik ni Dylan sa harap ng main gate. Parehas kasing hindi alam ang gagawin. Eh kasi naman, may pasok pa kaya bukas!

                “Uy, ano nang gagawin nat—” Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil may naramdaman akong tubig na bumagsak sa palad ko.

                “Eh?” Mukhang naramdaman din yun ni Dylan kaya naman napatingala siya bigla.

                At ayun, sunod-sunod na yung pagpatak ng ulan.

                Yung totoo? Bakit one-half swerte at one-half malas ako ngayon?

                Oo, nakadate ko nga si Dyalanloveofmylife //alam naman po yata nating lahat na hindi date yun diba?// pero lahat pala ng bagay ay nagtatapos! Eto, minamalas na ako!

                Nakita kong pinatong ni Dylan ang dalawa niyang palad sa ibabaw ng ulo niya para hindi siya mabasa sa ulan at agad na tumakbo.

                Haaaay Dylan. Pwede ba kasi wag ka na maging gwapo? Nagmo-move on na nga ko sayo eh!

                “Hoy babae! Wala ka bang balak na umalis dyan at sumilong muna?” Narinig kong sigaw ni Dylan at nung lingunin ko siya, nandun siya sa Waiting Shed na di kalayuan.

                Natulala pala ako, haha. Agad akong tumakbo papunta sa kung nasaan siya. Gusto ko magkatabi kami ni kras! ♡ Awtsuu lande.

                “Retard.” Mahinang sabi ni Dylan.

                “Narinig ko yun ah!”

                “Kaya ka siguro nagpapaulan dun ay para magkasakit ka at maka-absent? Tapos ako nalang mag-isa yung gagawa ng research ganon?”

                “Uy grabe ang OA mo naman!” Sabi ko.

                “OA as in Overly Attractive? Alam ko na yun.”

                “Ako rin alam ko na yun....” 

                “Tsk.” Binigyan ako ng ibang klaseng tingin ni Dylan. Yung parang, Grabe-Ang-Weird-Mo-Talaga Look, mga ganun.

                Mga 30 minutes kaming nakatayo dun ni Dylan. Tahimik lang kami. Wala kang ibang maririnig na sound kundi ang ulan at hangin lang. Ay joke lang. Etong malakas na heartbeat ko rin pala  Awtsuu.

                Kasi naman best day ko na rin to! Buong araw kasama ko siya! Mamatay na sa inggit lahat ng admirers niya pero akin lang si Dylanbabes!

                AKIN LANG, KUHA NIYO? lol.

                “Teka, bat mo pala ako nilibre ngayon?” Tanong ko, out of nowhere.

                “Nilibre saan?”

                “Saan pa ba? Edi dun sa ano, sa McDo.”

                “Ahh,” sagot niya. “Di naman kita nilibre eh. Naiwan mong nakapatong kanina yung wallet mo sa table nung nasa library tayo. Ibabalik ko sana sayo, kaso nasa mood ako nun para mang-asar, kaya yun, kunwari "nilibre" kita.”

When She Courted HimWhere stories live. Discover now