Twenty Second

10.2K 205 28
                                    

—Hayley’s Point of View—

 

 

 

                “Ano pa bang kulang? Ah! Sunblock!” agad-agaran kong binuksan yung drawer ko at kinuha ang sunblock. Nang mailagay ko na ito sa bag ko, mabilisan kong isinara ang zipper at tumakbo papalapit sa may pinto.

                Bago ko tuluyan na pihitin ang door knob, lumingon muna ako sa likod ko at tinignan ang paligid. Hmmm. May nakalimutan pa ba ako?

                Ah, wala na yata! Gora na!

                Nagmamadali akong tumakbo sa hallway at halos magkadarapa na ako (hindi ko alam kung dahil ba sa sobrang pagmamadali o sadyang madulas lang talaga yung floor). Wala na akong balak pa mag-elevator kasi alam kong mas matatagalan ako dun dahil puno pa, kaya tinakbo ko nalang yung hagdan.

                Anak na tokwa naman kasi, bukas na yung birthday ni Ken at ngayon na yung schedule namin ng pag-alis. Magkakasabay sana kaming pupunta doon sa venue dahil medyo malayo ‘yun at para tipid sa pamasahe, pero anak ng tokwa talaga dahil iniwan nila ako!

                Sabi nila, 8:00 daw magkita-kita kami sa parking lot ng school, pero langya naman, 10:30 na oh!

                Kahit na alam kong maliit nalang ang possibility na makita kong nandoon pa sila, sinubukan ko pa rin at nagmadali pa rin ako dahil think positive nga daw eh.

                Pero dahil sobrang swerte ko ngayon, WALA NA TALAGA SILA!

 

                Eh siraulo rin naman kasi yung bestfriend kong si Scarlett. Invited rin naman siya sa party tsaka nakapag-usap na rin kami na sabay kaming dalawa na aalis ngayon. 

                Pero anyare? Iniwanan ako ng kutong-lupang 'yun! Hindi man lang ako ginising or whatsoever. Basta pinabayaan nalang ako! Lagot sa'kin 'yun kapag nagkita kami mamaya or bukas. Sagot niya ang recess at lunch ko for one month.

                Tapos yung iba ko namang kakilala, hindi rin naman ako tinawagan or minissed call or tinext! Para namang hindi ko sila kaibigan!

                Huhuhu. Kawawa naman ako. Para namang wala akong kaibigan o bestfriend dahil iniwanan nila ako ngayong kailangan ko sila. Mabait naman ako sa kanila ah! Lagi ko naman sila tinutulungan. Pero bakit ngayon mag-isa lang ako?

                Huhuhu. Nakakalungkot talaga.

                So I guess mag-isa nalang akong makakapunta doon (kung kakayanin ko). Sikat naman yung resort kaya makakahabol pa naman ako. May mapa naman na nakalagay doon sa invitation card eh.

When She Courted HimWhere stories live. Discover now