Twenty Sixth

13.1K 233 92
                                    

—Hayley’s Point of View—

                Share kami ng room ni Scarlett na tutuluyan dito sa resort nila Ken. Maganda naman siya at komportable naman ako dito kasi airconditioned naman ang kwarto at hindi rin naman siya ganun ka-liit.

                Gabi na ngayon at nakahiga lang ako sa kama habang nakatulala dahil sa sobrNg pagod ko. Mag-isa lang ako kasi nasa labas si Scarlett at ang lahat. May night-swimming raw kasi sila-I mean, kami. 

                Hindi na ako sumama kasi nga gusto kong magpahinga muna. Nakakapagod kaya! Halos buong araw kaya kaming nag-commute ni Dylanbabes noh! Nakakapagod ‘yun pero dahil magkasama naman kami, nag-enjoy ako kahit papaano!

                Pero ngayong magkahiwalay na kami, saka ko lang naramdaman ang stress at pagod :(

                Ay! Oo nga pala ‘no? Speaking of Dylanbabes? Nasaan na kaya siya? Miss ko na kaagad si Hubby! Ang hirap naman ng ganitong buhay, parang naka-long distance relationship kami!

                Nag-vibrate bigla yung phone ko kaya alam kong may nag-text. Kinuha ko yung cellphone ko galing sa pinagpapatungan nito at sinubukan kong wag gumalaw o tumayo sa kama dahil sa sobrang katamaran ko ngayon.

                “Oi nandito si Dylan. May mga lumalandi sa kanyang mga mukhang kabayo.”

                Agad akong napanabangon nang mabasa ang text ni Scarlett. ABA! Hindi pwedeng may manlalandi kay Hubby ko! Taken na siya! May asawa na siya! Bawal na ang kabet dahil malaking kasalanan ito!

                Agad akong napasugod sa may swimming pool at hinanap kung nasaan si Dylan. At laking gulat ko nalang nang makita kong marami ngang nakapalibot sa kanya! Aba, aba, aba! Hinahamon yata ako ng mga ‘to.

                Nagmamadali akong naglakad para sugurin si Dylan dahil kahit papaano pala ay may taglay rin siyang kalandian. Bakit hindi niya pinapa-alis yuung mga umaaligid sa kanya?! Ano ba naman ‘yan!

                Pero sa sobrang pag-iinit ng paningin ko at sa sobrang pagmamadali ko, “Aray!” Natapilok ako at sa hindi inaasahang katangahan ko, nahulog ako sa swimming pool. And take note, doon pa sa pinaka malalim na part.

—Dylans Point of View—

 

 

                “Waaaaaa! Tulong!” biglang natigil ang pangtataboy ko sa mga babaeng nakapalibot sa akin nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Isang boses na nakakairitang pakinggan.

               

                Sa hindi malaman na rason, bigla akong napatayo at tumakbo papalapit sa kung nasaan man nanggagaling ang boses na ‘yun. Tumakbo ako papunta sa may swimming pool dahil maraming tao ang nagkukumpulan doon at malamang nandoon nga si Hayley.

When She Courted HimOnde as histórias ganham vida. Descobre agora