Thirty First

8.1K 227 73
                                    

—Hayley’s Point of View—

                               

                Saturday na. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog kagabi. Isip ako nang isip sa kung anong gagawin namin ni Ken ngayon, tsaka kung bakit niya ako niyayang makipag-date. (Kung sakali ngang date talaga ‘yon). 

                Hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami-dami nang mga pwede niyang yayain, bakit ako pa? Ang dami kayang mga chix dito sa school namin. Tsaka, hindi ba siya naiilang na kasama ako? Pag magkasama kami, nagmumukha siyang magsasaka eh. Ako ‘yong kalabaw. ‘Yong tipong ang gwapo-gwapo niya tapos ako, mukhang patatas na naglalakad sa tabi niya. Ganun ako naiilang kay Ken. Pero bakit siya, parang hindi naiilang sa akin?

                Iniisip ko rin kung anong klase bang ka-date si Ken.

                I mean, iniisip ko rin kung anong ginagawa sa date! Jusko, first date ko kaya ‘to! Or should I say, first real date.

                Yung ibang dates ko kasi with Dylan, oo inaamin ko, self-proclaimed date lang ‘yon. Masakit man, pero kailangan kong tanggapin na ako lang ang nagsasabing nagde-date kami tuwing magkasama kami.

               

                Pero ngayon, meron na akong date! At si Ken pa! Isa ring heartthrob sa school namin! Hala! Ngayon lang nag-sink-in ng mabuti sa utak ko ang mga nangyayari! SI KEN ANG FIRST DATE KO! OMG! BAKIT NIYA AKO NIYAYANG MAKIPAG-DATE?! BAKIT AKO?!

               

                Agad akong pumunta sa cr at naligo. Dinamihan ko ang conditioner na nilagay ko sa buhok ko at hinilod ko rin ng mabuti ang katawan ko. Nakakahiya kasi baka mamaya baka makita pa ni Ken na may libag pa ako. Pakatapos naman ‘non ay nagbihis agad ako at isinuot ang bagong bili kong damit. Sinuklay ko rin ng mabuti ang buhok ko para hindi naman ako haggard mamaya.

                Hindi naman si Dylan si Ken, pero gusto kong magmukhang presentable sa harapan niya. Sa totoo lang kasi, kay Dylan lang naman talaga ako nag-aayos. Sa kanya lang naman ako nag-eeffort eh. Sa kanya lang naman ang lahat ng attensyon ko. Pero kahit anong pagpapaganda pa yata ang gawin ko, hinding-hindi niya ako pagtutuunan ng pansin. Syempre, isang hamak na “stalker” lang naman ako, di’ba?

                “’San lakad mo?” tanong sa’kin ni Scarlett.

                “Dyan lang. Tapon lang ng basura.”

                “Dyan lang? Tatapon ng basura?! Wag ako, Hayley. Wag ako.”

                “Wag mo mukha mo.” Sagot ko na may halong pang-aasar. “Basta. Dyan lang ako. Mamaya ka na lang umepal.”

               

                Bumaba na ako at nagsimulang maglakad papunta sa may gate. 3pm ang usapan namin ni Ken, pero 2:30 pa lang ay bababa na ako. Hindi ako Filipino time. Tsaka ayoko rin kasing paghintayin si Ken kapag magpapalate ako. Ganyan ako kabait.

When She Courted HimWhere stories live. Discover now