Thirteenth

13.5K 256 36
                                    

— Hayley’s Point of View —

  

                Saturday morning, nandito ako sa school. Bakit? Kasi may clubbings kami. At natatandaan niyo pa na ang dami kong sinalihan na sports club para makasama si Dlyan di’ba? Ngayon, medyo nagsisisi ako. Nakakatamad kasing pumasok. Pero okay lang, kakayanin ko ‘to para kay Dylanbabes!

                At ang sports na una kong gagawin ay ang badminton. Medyo may alam na ako dito, kaso hindi naman ako masyadong magaling. Nakakatira lang ako, pero hindi naman yung katulad ng mga pro.

                “Hi Dylan!” sigaw ko. “Goodmorning!”

                Tinignan niya lang ako at ngumiti.  Shaaaaks! Tama ba ang nakita ko? Nginitian niya ba ako? ASDFGHHJKL I KENNOT. Sa pagkaka-alam ko kasi talaga ay suplado si Dylan, at alam niyo rin naman yu di’ba? Pero, waaaaaaaa! Ngitian niya ako! Kami na ba?

                “Aray!” sabi ko nang biglang akong batuhin ng shuttlecock ng kalaban ko. Kainis naman! Feeling ko sinadya niya akong tamaan eh, nagseselos kasi siya dahil pinansin ako ni Dylan. :P

                Agaran kong pinulot ang shuttlecock na ayun at, boom! Smash! At ang mas matindi pa? Headshot! Woohoo, nakaganti rin ako! Ang saya ko promise kasi first time ko lang makagawa ng ganun kasi eh. Tsk, si Dylan yata talaga ang goodluck charm ko.

                “Nakita mo yun Dylan? Para sa’yo yung tira na yun! Ikaw ang nagbibigay inspirasyon sa’kin!” nakangiti kong sabi sa kanya.

                Nagtawanan naman yung ibang tao sa paligid. Mukha namang nahiya si Dylan kaya nilapitan niya ako at bumulog, “Wag ka ngang maingay dyan, nakakahiya ka naman eh.”

                Ngumiti ako, may naisip nanaman akong bagong idea.

                “ANONG SABI MO DYLANBABES? MAHAL MO RIN AKO?”

                “Owwww!” sabi ng mga tao.

                Hindi na nagreact si Dylan pagkatapos nun, napa-facepalm nalang siya. Sorry Dylan kung pinapahiya kita, gumaganti lang ako sa mga bagay na sinabi mo sa’kin dati. Pero passalamat ka nga at sweet yung revenge ko sayo e.

                Wala pa akong ibang sports na gagawin ngayon, pinuod ko muna si Dylan habang nagp-practice sila ng basketball. Ang hot niya po, bow.

                Bawat galaw niya, bawat shoot niya, ang flawless. Ang hirap mag-move on sa kanya kasi sa tuwing makikita mo siya, mas lalo ka pang nafa-fall e. Ang swerte talaga ng babaeng mamahalin nito someday.

                “Go Dylanbabes!” sigaw ko. Wala naman silang laban ngayon, practice lang. Pero sobrang wagas akong makapag-cheer sa kanya ano?

                At doon ko lang rin napansin, naglalaro rin pala si Ken ng basketball. Shaks! Nakalimutan ko na varsity rin pala siya.

                “Go, Ken!” sabi ko, nakakahiya naman kasi. Lagi niya akong tinutulungan pero baka isipin niya na naaalala ko lang siya pag may kailangan ako. Pero hindi talaga! Ang bait niya sobra, sana nagkapalit nalang sila ni Dylan ng ugali.

When She Courted HimWhere stories live. Discover now