Forty Third

6K 219 98
                                    

— Dylan's Point of View —


Sorry? Anong ibig-sabihin 'nun? Anong ibig-sabihin ng sorry niya? Tinanggihan niya ba ako? Rejected ba ako? Sandali, naguguluhan ako. Ang isang Dylan Delos Reyes...tinanggihan niya?


"Bakit..." tanong ko sarili ko habang naglalakad ng dahan-dahan. 


Sige na, aaminin ko na. Medyo nasaktan talaga ako. Siguro nga hindi medyo, baka sobrang nasaktan talaga ako. At sa totoo lang, ayoko ng ganitong pakiramdam. Unang beses pa lang akong nakaramdam ng ganito pero sa tingin ko hindi ko na kakayanin pa. Parang...ang sikip sa dibdib. 


Sabihin nga nating sa prom lang niya ako tinanggihan. Pero para sakin, pakiramdam ko tinanggihan niya 'yung buong ako, eh. Gusto ko sana siyang kausapin ng matagal. Gusto kong bumalik 'yung closeness namin dati, pero pakiramdam ko, siya na talaga ang umiiwas.

Nagbago na ba talaga siya?


"Sabi ko kasi sayo, ingatan mo kasi baka mawala." parang kabuteng sumulpot si Ken sa gilid ko. "Kaya ngayong wala na siya sayo, ikaw naman 'yung naghahabol."

"Ano bang problema mo?" iritado kong tanong sa kanya. Wala ako sa mood na makipag-asaran sa kanya ngayon.

"Masakit ba?" tanong niya pabalik sa akin.

"'Yung ma-reject. 'Yung maiwan ng tanong pinahahalagahan mo ng sobra. Masakit ba na balewalain ng taong espesyal para sayo?"

"Ano bang gusto mong mangyari?"

"Oo, di'ba?" pagsagot niya sa sarili niyang tanong. "Dylan, alam mo ba, sa buong pagsasama niyo ni Hayley, higit pa sa sakit na nararamdaman mo ang naramdaman niya?"

Tinignan ko lang siya. 

'Yung sakit na nararamdaman ko, doble pa dun ang naramdaman ni Hayley?


"Pero lagi ko naman siyang nakikitang nakangiti at masaya kapag magkasama kami..." sabi ko.

"Oo. Pero kapag ako ang kasama niya, doon niya naiilabas ang totoo niyang nararamdaman. Sa akin niya nasasabi ang mga bagay na hindi niya masabi sa'yo ng harapan. Sa akin niya pinapakita ang mga bagay na hindi niya maipakita sa'yo." paliwanag ni Ken. "Kapag magkasama kami, nakikita ko ang side ni Hayley na kahit mo nakikita."

'Nang mga panahong 'yun, alam kong hindi lang sakit ang nararamdaman ko.

Teka.

Nagseselos ba ako?

'Eto na naman tayo, eh. Ayaw ko rin maramdaman 'to. Ayoko ng ganito. Pwede bang hindi ko na lang maramdaman lang ng ayaw kong maramdaman? Hay, kung pwede lang diktahan ang puso.

Pero...si Ken...si Hayley. Bakit ganun? Bakit ganun si Hayley kay Ken? Bakit pakiramdam ko, mas maraming alam si Ken tungkol kay Hayley kaysa sa akin? Bakit pakiramdam ko, marami pa akong dapat na malaman tungkol kay Hayley?

Bakit, bakit, bakit?

"I gave you the chance, Dylan. I warned you. Ilang beses kong sinabi sayo na tignan mo 'yung worth niya. Pero lahat yun binalewala mo lang." tumingin ng diretso sa akin si Ken. "Bakit? Bakit mo binalewala? Dahil ba akala mo, ganun lang siya palagi sayo? Dahil akala mo, forever na siyang maghahabol sayo?"

"Hindi, kasi wala namang forever..."

"Exactly." sagot niya. "Hindi siya magiging ganun sayo habang-buhay, Dylan. Mapapagod at mapapagod rin siya sa'yo. Kaya habang nagpapahinga siya, hayaan mo akong iparamdam sa kanya lahat ng bagay na hindi mo naiparamdam at nasabi sa kanya. Ipapakita ko sa kanya ang tunay niyang halaga."

Sa mga sinabi ni Ken, doon ko lang napagtanto ang lahat ng bagay na ginawa at binigay niya sa akin. Doon ko lang napansin ang lahat ng mga sinabi niya. Doon ko lang napansin lahat ng ginawa ko.

Doon ko lang napansin kung gaano ko siya sinaktan.

"So," biglang ngumiti si Ken at ipinatong ang kanyang kanang kamay sa balikat ko. "Paano ba 'yan? Kita-kits na lang sa prom, ha?" Sinabi niya 'yun ng parang wala lang. Parang wala kaming pinag-usapan. Parang walang nangyari. Pagkatapos 'nun ay naglakad na siya papalayo.

Ngumiti na lang rin ako at naki-ride na lang sa trip niya. "Sige! May date ka na ba?"

"Oo naman!" sabi niya habang hindi ako nililingon. 

"Naks! Sino?"

Lumingon siya sa akin at ngumiti. 

"The girl who rejected you today." sagot niya at saka na tuluyan na naglakad papalayo.



— Ken's Point of View —


Nang medyo makalayo na ako kay Dylan, naglakad ako papalapit doon sa pader at pumunta sa likod 'non.

"Okay na." sabi ko.

"Thank you, Ken." sabi sa akin ni Hayley at saka ngumiti.

"Okay lang. Basta ikaw." sagot ko at saka hinawakan ang kanyang kamay at sabay na naglakad pabalik sa classroom.



Author's Note:

Short update lang hehe. Pinilit ko lang mag-update kasi natutuwa ako dahil kahit 6 months ko siya in-on hold, #28 pa rin siya sa Teen Fiction. Thank you guys! Thank you, thank you, thank you so much sa support at feedbacks! Binabasa ko lahat  <3

When She Courted HimWhere stories live. Discover now