Third

16.4K 341 38
                                    

— Hayley's Point of View —

                Buong klase naming sa Math eh wala akong ginawa. Joke lang syempre meron pa rin, at yun ay ang tignan si Dylan babes. Classmate ko kasi siya.

                “Baka matunaw.” Bulong ni Scarlett.

                Hindi ko nalang pinansin yung sinabi niya. Eh ano naman kung matunaw siya?! Hindi lang naman ako ang nakatingin sa kanya ah! Ang dami kayang classmates ko ang may crush sa kanya! 

                Nakakainis nga eh. Ang dami kong kaagaw. Pero hindi nga naman ako magseselos kasi wala naman ding interes sa kanila si Dylan. Ayaw nga kasi niya sa mga babae. Studies lang daw muna siya. Kaya ang result? Ayuun, Top 1 siya sa overall ranking.

                Nung lunch na (ulit), binuhat ko na yung apat na makakapal na librong hawak ko. Tsaka ipapasa ko na rin yung project ko sa Physics. Bakit ngayon lang ako magpapasa? Kasi VIP ako. De joke lang. Late na kasi ako magpapasa. Eh wala eh, di uso sakin ang sumunod sa deadline.

                Nung malagay ko na sa locker yung gamit ko, nag-umpisa na akong hanapin si Ma’am Chechebureche sa buong campus. ASAN NA KAYA SIYA? Kainis naman kasi ang laki nitong school naming tapos ako pa paghahanapin niya.

                De joke. Ako na yung late na nagpasa ako pa magagalit.

                Habang naghahanap ako kay Maam, bigla akong nabungo at dahil dun, nabitawan ko yung hawak kong project at nilipad…..sa basuharan.

                “Sorry!” sabi nung nakabunggo sakin.

                Okay lang sana kung sa ibabaw lang ng basurahan nilipad yung project ko. Kaso, biglang may nagtapon ng pagkain at juice (na may laman pa) dun din mismo sa loob ng basurahan kaya ayun, wala na akong pag-asa...

                “Naku, sorry talaga!” sinubukan niya pang kunin sa basurahan yung project ko na nasa papel kaso…wala na talaga eh.

                Grabe, sobrang pinaghirapan at pinagpuyatan ko yun tapos ganun-ganun na lang? </3

                Alam niyo ba yung feeling na yun? Minsan ka na nga lang gumawa ng projects tapos eto pa yung mangyayari. Nasayang lang yung lahat!

                “Sorry…” pang-ilang beses niya na ba to sinabi? Ang daming beses na nuh? Pero wala pa rin namang mangyayari. Eh kung yang sorry mo kaya yung ipasa ko sa teacher ko, gusto mo?

                Tinignan ko yung nakabunggo sakin at laking-gulat ko nang malaman ko kung sino yun.

                “K-Ken…”

                Opo, si Ken nga. Yung bestfriend ni Dylan. Second heartthrob din dito sa school. Halos parehas lang sila ni Dylan kaso ang pinagkaiba nga lang, hindi suplado si Ken.

                “Teka, parang kilala kita ah,” sabi niya nang makita niya rin ang fess ko. “Ikaw yung isa sa mga fangirls ni Dylan, di’ba?”

                 Shaks grabe ang gwapo niya pala sa malapitan. No wonder kung bakit siya yung naging second heartthrob. *u*

                “Ako nga pala si Ken,” sabi niya. “Ano nga pala ulit yung pangalan mo?”

                “Barbie…….” 

When She Courted HimWhere stories live. Discover now