Fortieth

7.4K 202 85
                                    

— Dylan's Point of View — 

              “Hi, Dylan. Sayaw naman tayo.” Sabi sa akin ‘nong isang babae na lumapit.

                “Ayoko.” Diretso kong sagot.

                Sa totoo lang, hindi ko alam kung pang-ilang beses ko nang sinabi ang salitan ‘ayoko’ ngayong gabi, eh. Ang dami-daming nagyayaya sa akin na sumayaw pero wala ako sa mood na makisama sa kanila. May iba akong hinihintay.

                Nakatayo lang ako sa isang gilid doon habang pinapanood ang lahat ng tao na nag-uusap, nagke-kwentuhan, sumasayaw, kumakain at iba pa. Party na party talaga.

                Napatingin ako sa kaliwa, nakita ko si Ken na may kausap na iba. Hindi babae, kundi mga lalaki rin. Mga kaibigan rin namin ‘yon. Tsaka hindi naman ‘yon nakikipag-usap sa mga babae sa mga ganitong klase ng event.

                Napatingin ako sa relo ko. 7:30PM na pero wala pa rin siya. Bakit naman kaya ‘yon magpapalate ngayon, eh sa pagkakatanda ko ay itong Christmas party ang pinaka-inaabangan niyang event? Simula pa yata nung June eh kinukulit na ako ‘non na sumayaw raw kaming dalawa. Pero dahil hindi ko pa naman siya masyadong kilala ‘non, tinatanggihan ko palagi.

                Nakatingin lang ako sa may pinto para tignan kung pumasok na ba siya dito o hindi. Naka-ilang minuto muna ang lumipas bago ko siya makitang pumasok kasama si Scarlett.

                Ang ganda niya.

                Normal na normal lang naman ang itsura niya kumpara sa ibang babae. Sa totoo lang, maraming ibang mas maganda sa kanya. Pero hindi ko alam kung bakit siya ang nangingibabaw sa paningin ko. Parang siya lang ang nakikita ko.

                Dire-direstso lang siyang maglakad. Hindi siya lumingon sa akin. Hindi siya lumingon sa iba. Pansin kong malungkot siya. At mas nalungkot naman ako nang maisip ko na ako ang dahilan ng kalungkutan na nararamdaman niya.

                “Bro, di ka sasayaw?” biglang tanong sa akin ni Mark.

                “A-Ahh, hindi na. Dito na lang ako.” Sagot ko.

                “Ano namang gagawin mo dito?”

                “Ano pa bang pwedeng gawin dito?”

                “Wala…?”

                “Edi wala akong gagawin dito.”

                “Eh, sumama ka na lang sa amin! Wala ka naman palang gagawin.”

                “Hindi na.” pagpupumilit ko. “Dito na lang talaga ako.”

When She Courted HimWhere stories live. Discover now