Fourteenth

12.8K 241 37
                                    

— Hayley’s Point of View —

   

                “Oh, ano? Masakit pa ba ‘yang paa mo?” tanong ni Dylan sa akin habang naka-sakay ako sa kanya sa likod. Naglalakad lang kami kasi walking distance lang naman ang clinic, mula dito sa school namin.

                “Oo, pero hindi na masyado.”

                “Ano ba kasing nangyari?”

                Teka, concerned ba ‘tong lalaking ‘to sakin? O nagpapakitang-tao lang? Or nakiki-chismis? Yung totoo! Naguguluhan na ako!

                “Wala, dahil lang ‘to sa katangahan ko kanina.” Sumali ako ng Tennie club eh hindi naman ako marunong mag-Tennis. Galing diba?

                “Tsk, ikaw talaga.” Sabi ni Dylan.

                “Sus, okay lang ako.” Sabi ko naman. “Sana nga palagi nalang ako nababalian para atleast nagkakaroon ako ng chance na maka-piggyback ride ka eh.”

                Tumawa naman ng mahina si Dylan. Ang hot! OMG, di ko kaya ‘to. Habang nakasakay ako sa kanya, amoy na amoy ko yung mabango niyang leeg. Kahit na pawis na pawis siya kanina, ang bango niya pa rin! Pero pag ako, kahit hindi naman masyadong pinagpapawisan, mabaho pa rin. Unfair!

                “Wag mo sabihing sinadya mong baliin yang paa mo para lang mabuhat kita?”

                Grabe ka naman, Dylanbabes. Hindi naman ganun ang pakay ko. Pero magandang idea ‘yang sinabi mo! Sana pala ginawa ko na yun dati pa. Hindi ko naisip.

                “Hindi ah…” sagot ko sa kanya.

                “Pwede ba, wag mong sinasaktan ang sarili mo para lang sa’kin? It’s so pointless.”

                “Pointless yun para sayo kasi wala ka sa sitwasyon ko ngayon. Pero promise, kapag naramdaman mo rin ang feeling ng magmahal, magiging ganito ka rin tulad ko.”

                Shaks, ngayon ko lang naisip. Ang swerte pala ng babaeng mamahalin ni Babes! Yung hahabul-habulin niya, magpapaka-desperado siya para lang sa kanya, at makakasama niya buong buhay niya! Omg, hindi ko kaya ‘to. Ang swerte ng babaeng yun!

                “Dylanbabes,” tawag ko. Oo, hindi ako nahihiyang tawagin siya ng ganun! “Kailan mo ‘ko sasagutin?”

                Napatigil naman siya sandali at nagpatuloy ulit sa paglalakad. Siraulo talaga ako, haha! Ang lakas ng loob kong magtanong sa kanya ng ganun!

                “Hindi ka pa nga nanliligaw, sasagutin na kaagad kita?”

                “So ibig sabihin, kapag niligawan na kita, sasagutin mo na ako?!”

                “Hoy, wala akong sinabing ganun.”

                “Pero ganun na rin yung pinaparating mo!” Kung hindi lang masakit ‘tong paa ko ngayon, malamang eh nagta-tambling na ako dito sa gitna ng kalsada ngayon dahil sa sobrang kilig!

When She Courted HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon