14. Karel Talaga :)

11.6K 406 30
                                    

Chapter 14

"I love you," bulong ko kay Karylle pagkapasok namin sa kusina. "I'm sorry kung nagutom ka kagabi kakahintay sakin. Pinagluto na kita, oh. Kain ka na love,"

Hindi agad siya nakapagsalita. She was still looking at the table na puno ng pagkain and also the candles na mas nagpa-romantic ng set up. Pinakiusapan ko kasi si Manang Klaring if she could help me cook para manlang makabawi sa ginawa kong pang-iindian kay Karylle.

"Say something naman," sunod na bulong ko. Umabante ako ng konte para masilip ko yung mukha niya. Napatakip nalang ako sa bibig nang makita ko na umiiyak siya. "Oh gahd! Bhie, okay ka lang?"

Pero mas nagulat ako when he pulled me abruptly and hugged me tightly. I couldn't speak. Natuod lang ako sa kinatatayuan ko habang pahigpit ng pahigpit ang pagkakayakap niya saakin. Bumalik lang ako sa wisyo nang marinig ko ang mga hikbi niya.

"Why?" tanong ko as I wrapped my hands around her waist. Nakayakap parinsiya sakin habang palakas ng palakas ang iyak niya. "Sinong umaway sa baby ko?"

"Three years na ang nakakalipas nung huli akong makatanggap ng ganitong surprise," sabi niya sakin. He face was on my chest. "I-I thought wala ng magbabalak na surpresahin ako,"

"Kung gusto mo araw-araw kitang isusurprise wag ka lang malungkot," bulong ko habang sinusuklay ang buhok niya using my hands. "You're so special kaya wag na wag mong iisipin na wala na ulit mage-effort na isurprise ka,"

What does the fox says

Ting! Ting! Ting! Ting!

We both turned around and saw Lolo Gonzalo and Manang Klaring sa pintuan ng kusina. Nags'strum parin si Lolo habang kumakanta naman si Manang. Romantic na sana eh kaso yung kanta naman nila... jusko! Ansangit sa tigyawat.

"Kain na tayo bhie," I held her hand and guided her paupo sa isang stool. I served her foods bago ako umupo sa tapat niya. "Nagpatulong ako kay Manang Klaring magpaluto,"

"Thank you," she said sabay smile. Matutunaw na yata yung puso ko dahil sa ngiti niya. "Hindi mo alam kung gaano mo 'ko napasaya ngayon kahit sobrang inis na inis ako sayo kahapon,"

"Sorry na nga eh," paghingi ko ulit ng tawad as I pout. "Hindi ko na talaga uulitin,"

"Bakit hindi mo 'ko sinipot kagabi?" hindi agad ako umimik. Kinakapa ko pa yung mga salitang dapat kong isagot.

I was about to speak nang marinig kong nag beep ang phone ko. Nakita kong nagtext si Chris. Jeskelerd. Kinakabahan na nga ako sumabay pa 'tong mokong na 'to.

Marry You (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon