22. BaeBhie

11.4K 371 28
                                    

Chapter 22

//

Karylle

Napalunok ako ng madiin as I went out the car. I bit my lower lip habang inililibot ko ang paningin sa kabuuan ng lugar.

Pier.

"A-anong meron?" nauutal kong tanong while looking straightly at him. He didn't answer my question and just offered his hand to me. "Vice..."

"Just accept it, dadalhin kita sa kasagutan ng tanong mo," then he smiled genuinely.

Wala na akong nagawa at tinanggap nalang yung kamay niya. Naglakad kami ng kaonti hanggang sa makalapit kami sa daungan ng mga barko. My eyes widened and my heart melted nung makita ko yung sumalubong saamin.

A Yacht, with a tag Bae and Bhie.

"Vice..."

"Half Million ang nagastos ko diyan, kaya subukan mong tanggihan lulunurin talaga kita dito," natatawa niyang sabi kaya natawa nalang din ako.

"This is too much,"

"Hindi naman ako humihingi ng malaking kapalit eh, sapat na sakin yung... stay with me," he seriously said. "So... let's start our cruisin?"

"Seryoso?"

"Karylle tingin mo ba gagastos ako ng kalahating milyon kung hindi ako seryoso dito?"

"Hindi ko naman kasi sinabing bumili ka ng yate eh," then I pout. Tinawanan niya lang naman ako. "Saka, I thought magdidinner tayo?"

"Oo nga, doon sa loob. Kaya tara na. Gutom na 'ko," he held my hand and guided me pasakay sa yacht.

Pagkapasok namin sa loob, isang candle-light dinner ang sumalubong saamin. Hindi ko maitangging A for Effort and Surprise na 'to. For Pete's sake, I really didn't even expect na bibili pa siya ng Yacht para lang sa Dinner na 'to.

//

Vice

I offered her the chair, umupo naman siya doon. I also sat down sa harap naman niya. She really bloomed this night. Ibang-iba yung ayos niya. Her straight hair, her red dress. Medyo sumablay nga lang sa flat shoes. I asked her to wear the brown stilletos na binili ko for her pero hindi niya ako sinunod. Naiintindihan ko naman dahil hindi talaga siya sanay magsuot ng may heels.

Once na parehas na kaming nakaupo, nag-signal ako sa mga waiter namin for night. Lassy approached us and gave the menu. Nakasimangot ang bakla. He rolled his eyes over Karylle, buti nalang talaga hindi sa kaniya nakatingin yung girlfriend ko... pinapangunahan ko na.

Kinakabahan kong pinagmamasdan si Karylle habang binabasa niya yung mga nasa menu. Her brows knitted. Uggh! Mukhang failed nga yata. Kung bakit ba naman kasi ako nagpatulong kay Anne. I asked her kung anu-anong mga pagkain ba ang hilig ni Karylle. So ayan, pinalagay ko sa menu. At first siyempre naweirduhan ako... kasi knowing Karylle, laki rin naman siya sa malaking pamilya.

"Seriously, Vice?" nakangiti niyang sabi sakin. Ayan na, pinagtatawanan niya lang ako.

"Sorry... Anne told me kasi na yan daw yung favorite foods mo," I hopelessly said. Napakamot nalang ako ng batok. Parang gusto ko nalang tumalon.sa dagat.

"Hey! I'm actually speechless. Hindi nga ako makapamili kung anong kakainin ko kasi lahat nga 'to favorite ko," my face lightened up.

"Seryoso?" nakakunot noong tanong ko. Tumango lang naman siya saakin as she handed Lassy the menu. "Lass, lahat yan dalhin mo dito,"

Marry You (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon