o4. Meet Lolo

12K 415 15
                                    

Chapter 4

~×~×~×~

Karylle's POV

I was currently putting my clothes inside my bags when my phone suddenly beeped. At dahil tinamad akong tignan kung sino yun, nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko. I don't usually do texting back lalo na kung may ginagawa ako. Kung busy ako, ayokong may umiistorbo sakin.

Napaupo nalang ako sa kama ko. I roamed my eyes inside my room. Sino bang mag-aakala na iiwanan ko din pala 'tong apartment na inupahan ko simula nung umalis ako sa puder ng pamilya ko? I've been leaving here for almost 9 years. Pagkatapos na pagkatapos ko kasing mag-aral, bumukod na 'ko.

Ayoko sa lahat yung pinapakialaman yung buhay ko. My Dad wants me to be the next president sa sarili naming kompanya and I really don't want that kind of nature kaya mas pinili kong umalis. I really want to be a teacher so sinunod ko yung gusto ko.

I have two younger sisters who are Nicole and Zia. Nag-aaral pa sila hanggang ngayon at alam kong isa sa kanila ang pinipilit ng Daddy ko na maging presidente. My Mom couldn't control him. Siya lang kasi ang nasusunod sa pamilya namin.

Nagmumuni-muni pa ako nang bigla ulit tumunog ang phone ko. Inis na kinuha ko ito sa kama at binasa ang text ng kung sino mang Poncio Pilato 'to.

Bakla: Karylle, text me kung nasa Condo ka na ha? I'll meet you there.

Bakla: Pakisabi naman po sa Girlfriend kong tamad magtext na itext ako pag nasa Condo na siya. Nakakaloka!

My brows furrowed nang mabasa ko ang text niya. Seriously? Ano bang tingin niya sakin? Hindi marunong magbasa? Kailangan talaga dalawang send pa? Napairap nalang ako bago ibaba ang phone at muling mag-ayos ng mga gamit.

Lilipat na ako sa Condo na ibinigay niya saakin. Kung bakit ba naman kasi ako pumayag pa sa gusto niya. Nakakabwisit. Kung hindi lang ako natakot sa pang ba-black mail niya hindi naman ako papasok sa ganitong klase ng gulo.

After putting my clothes inside my bags, inayos ko narin yung sarili ko bago lumabas ng apartment. Sinalubong naman ako ni Aling Miriam na nakasimangot at panaka-nakang nagpupunas ng luha.

"Aalis na ang Baby Karylle ko." malungkot na sabi niya habang sumisinghot. Natawa naman ako ng bahagya.

Si Aling Miriam na ang tumayong pangalawa kong ina simula nung umupa ako dito sa apartment niya. Hindi lilipas ang isang araw hangga't niya nasisiguro na okay lang ako, na may kakainin ako.

Marry You (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon