27. Face To Face

9.4K 296 35
                                    

Chapter 27

.

.

.

.

.

Napuno ng palakpakan ang buong Activity Center pagkatapos maghandog ng isang kanta ni Christian. Nanatiling nakayuko si Karylle. She really don't know what to feel ngayong nagbalik na ang taong sumira ng tiwala niya.

"Gusto mo, alis na tayo dito?" Vice asked as he held Karylle's hand, bilang comfort. "Alam ko namang hindi ka komportable,"

"Huh?" Karylle gave him a puzzled look. How does he know, eh hindi pa naman niya sinasabi na si Christian ang nasa stage. "Pano mo nalaman?"

"Buong performance niya, nakayuko ka na diyan. Yung pagiintro palang sa kaniya nung Emcee, ramdam ko na..." he explained. Kahit kinakabahan, he has to be strong. "Affected ka parin?"

Nakaramdam ng guilt ang dalaga nang makita ang malungkot na ngiti sa mga labi ni Vice. She just rubbed her palm on his arm.

"Ilayo mo na muna 'ko dito, bae." she said after taking a sigh. "Ayoko siyang makita,"

"Uuwi na tayo?"

"No. Dun nalang muna tayo sa faculty,"

-

Karylle was sitting sa swivel chair, infront of her desk. Nakaupo lang din naman si Vice sa tabi niya, playing with her fingers.. Nagtataka man, hinayaan na lamang ng dalaga ang ginagawa ni Vice sa kamay niya. Later on, he pulled her hand and placed it near his lips, kissing it.

"Karylle mahal na mahal kita," bulong nito with his eyes closed. Maraming beses niyang hinalikan ang kamay ng dalaga. "Mahal kita,"

"Vice anong nangyayari sa 'yo?"

"I just want you to know how much I love you, okay?" iminulat niya ang mga mata at intense na tinignan si Karylle. "Basta yun lang ang tatandaan mo. Mahal kita,"

//

Vice

He's back!

Goddamn! He's fucking back.

Kanina, habang nag-iintro yung Emcee, palakas na ng palakas yung kabog ng dibdib ko. I don't know why. Mas lalo pang bumilis when I saw Christian walking up the stage. Kaba at takot lang ang alam kong nararamdaman ko that time.

I looked for Karylle's reaction. Nakayuko lang siya the whole time na nagpeperform si Christian. I knew that she was still affeced. I felt it. Laking pasasalamat ko nga when she asked me na dalhin ko muna siya sa Faculty 'cause she still doesn't want to see him.

"Karylle mahal na mahal kita," pabulong na sabi ko, while kissing her hand. "Mahal kita,"

"Vice anong nangyayari sa 'yo?"

"I just want you to know how much I love you, okay?" marahan kong hinagod ang kamay niya then I kissed it again. "Basta yun lang ang tatandaan mo. Mahal kita,"

Hindi ko alam kung anong mangyayari this day. It might end to be the worst day of my life. Malaki ang posibilidad na magkasalubong, at malaman ni Karylle lahat, kaya hangga't maaga pa, I wanna tell her how I feel. Mahal ko siya. Yun lang naman ang mahalaga diba?

"So... anong nararamdaman mo?" I asked. Tinignan niya lang ako and gave me a half-smile.

"Masakit parin," and as she said what she feels, doble ang sakit na naramdaman ko. "Akala ko okay na 'ko eh. Akala ko fully recovered na 'ko. Meron pa pala,"

"Ibigay mo nalang sakin yung sakit," I sincerely said. "Kahit ako nalang yung masaktan, wag lang ikaw..."

"Vice..."

"Ssshhh," I pressed my pointing finger sa lips niya to stopped her from speaking. "Makinig ka muna sa 'kin ha?"

She slowly nodded. I bit my lower lip dahil hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Natatakot kasi ako na baka biglang bumukas yung pintuan at iluwa noon si Christian, at mawalan ako ng panahon para sabihin kay Karylle lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya.

"One night, may isang baklang ipinanganak. Nasa loob pa lamang siya ng sinapupunan ng kaniyang ina, alam na niyang isa siyang lalaki na may pusong babae..." pag-uumpisa ko. "Tinanggap siya ng buong pamilya, wholeheartedly. Ibinigay lahat ng pangangailangan, hindi sila naging maramot, ipinaramdam nila kung gaano nila ito kamahal. One day, while he was on the way to their house, tinawagan siya ng nakatatandang kapatid, telling that his dad already passed away... usapang kompanya."

I was still playing her fingers nang bawiin niya ito at punasan ang mukha ko. Hindi ko namamalayang umiiyak na pala ako.

"Hindi mo naman kailangang ikwento yung buhay mo..."

"I have to," pag-iinterrupt ko. "Ayoko namang maging stranger sa nililigawan ko 'no,"

"Kung diyan gagaan ang pakiramdam mo. Makikinig ako," she gave me a sweet smile kaya muling lumaki ang pag-asa na nararamdaman ko.

"Dumating si Lolo from States... siya na yung tumayong tatay ko. Thankful parin naman ako kasi napunan nila lahat ng mga bagay na dapat si Tatay ang gumagawa," I paused. "Baklang-bakla ako, Karylle. Baklang-bakla ako, until you came. Wala naman talaga akong alam pagdating sa pagmamahal. Dumating ka, ginulo mo yung puso ko. Bastos ka rin eh,"

I heard her chuckle. Hinawakan ko ulit yung kamay niya at mariing hinalikan. Kahit ganito ang gawin ko buong maghapon, hinding hindi ako magsasawa.

"Hindi ko nakitang sinasaktan ni Tatay yung Nanay ko. I never saw my Mom crying dahil lang sa nambabae yung ama ko," I looked straightly on her eyes, cupped her face and gently rubbed her cheeks using my thumbs. "Makakaasa kang hindi kita sasaktan. Makakaasa kang ikaw lang yung mamahalin ko, wala ng iba."

//

General

12:30 pm na nang lumabas sila Karylle at Vice nang faculty upang magtake ng lunch. Papasok na sana sila ng Canteen when Karylle felt that she has to take a pee, kaya nagpahintay siya sa labas ng Comfort Room.

Prentent nakasandal si Vice sa wall, nang mahagip nang paningin niya ang papalapit na si Chris. Muling binalot ng kaba ang binata lalo na't alam niyang lalapitan siya nito at kakausapin.

"I'm back... baby girl," naka-smirk nitong sabi, at dahil sa natatakot si Vice na baka maabutan sila ni Karylle, mabilis niyang hinigit si Chris sa likod ng Comfort Room.

"Chris, please lang. Wag ngayon," nasa tono ng binata ang pagmamakaawa. "Utang na loob lang..."

"Sabi naman sa 'yo eh..." Chris ran his fingers sa pisngi ng kausap na tila ba dinadama ang balat nito. Maya-maya, inilapit ng binata ang bibig sa tenga ni Vice at bumulong, "Akin ka lang..."

"Vice?" parehas napalingon ang dalawa sa taong nagsalita. Chris has a wide smile on his face, samantalang si Vice, tila mas gugustuhin na lamang niya na lamunin ng lupa. "A-anong..."

"Hi, Karylle? Long time no see..." mapang-asar na sambit ni Chris, offering his hand to his former girlfriend, "Hindi mo naman nabanggit na kilala mo pala yung new girlfriend ko,"

//

Marry You (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon