48. Thaira

10.6K 361 94
                                    

Chapter 48

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

Pinuntahan ko agad si Lolo Gonzalo pagkaalis na pagkaalis ko sa Condo Building kung saan ko nakita si Vice and Solenn. Buti nalang at wala siyang ginagawa and I'm free to talk to him.

Hanggang ngayon nakatatak parin sa utak ko kung paano yakapin at halikan ni Vice si Solenn. Yakap at halik na dapat ay sa 'kin niya binibigay because I'm his wife.

"Hindi mo ba kasama si Vice?" Lolo Gonzalo asked nang makaupo na ako sa Sofa. Umiling naman ako as an answer. "Talaga 'tong si Tutoy. Kakaltukan ko talaga yun."

"Hindi naman po niya alam na nagpunta ako dito. Actually... kasama po kasi niya si Solenn ngayon."

Kapansin-pansin ang pagkunot ng noo ni Lolo nang marinig niya ang sinabi ko. I smiled sadly habang pinipigilan kong maiyak ulit. Nirub ko nalang yung tummy ko using my palm, wag sanang maapektuhan yung baby ko.

"Why is he with that Solenn?"

"Si Solenn naman po yung mahal niya Lolo..." pigil luha kong sagot.

"You're carrying his child. Hindi pa ba siya kuntento diyan?"

This time bakas ko na kay Lolo ang pagkairita dahil sa ginawa niya. Sa totoo lang, hindi naman ako nagpunta dito para magsumbong at humanap ng kakampi. I'm here dahil ipapaalam ko sa kaniya kung anong gagawin ko para mapasaya yung apo niya.

"Wag na po kayong magalit sa kaniya, nagmamahal lang din naman si Vice eh," pagtatanggol ko sa asawa ko.

"Pano mo pa nagagawang maging mabait sa kaniya kahit puro sakit lang naman ang binibigay niya sa 'yo?"

"Because after all, ako parin naman po ang may kasalanan kung bakit nangyayari sa 'kin 'to ngayon," I explained. Nanatili akong nakayuko kaya ramdam ko na ang luha na hindi ko na napigilan. "G-gusto ko na po siyang maging masaya Lolo. At mangyayari lang yun if I gave him what he wants,"

"What are you trying to say?"

"Ako na po ang magfa-file ng annulment,"

Yeah, you've read it right. Ako na ang magbibigay sa kaniya ng matagal na niyang gustong gawin. Alam ko kasing nahihirapan pa siyang kumilos ngayon lalo na't buntis ako.

Bakit ko pa patatagalin kung sa hiwalayan din naman kami mauuwi pagkatapos kong manganak? Mas lalo ko lang sasaktan yung sarili ko. I faked a smile as I took Lolo's hand.

"Pano yung magiging anak niyo? Pano yung apo ko?" worried na tanong niya.

"Hindi po ako ganun kasamang ina para ilayo ang anak ko sa pamilya ng tatay niya," pangungumbinsi ko sa kaniya. "Hindi ko po ilalayo yung baby ko sa inyo,"

"Final na ba yang desisyon mo, apo?" he asked me once again at tumango lang naman ako. "Tutulungan kita makapag-file ng annulment, sa isang kondisyon..."

-

-

-

-

-

General

Matamang pinagmamasdan ni Lolo Gonzalo si Karylle na palabas ng gate nila. Wala siyang ibang nararamdaman para sa dalaga kundi awa. Gusto niyang magalit sa apo na si Vice ngunit di niya magawa dahil naiintindihan naman niya ang pinanggagalingan nito.

Marry You (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon