34. Way

12.6K 386 34
                                    

Chapter 34

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Anong nangyayari sa 'yo?" nagtatakang tanong ng binata. Nagtry namang bawiin ni Karylle ang kamay pero masiyadong mahigpit ang pagkaka-grip nito sa kaniya. "I'm asking you, anong nangyayare sa 'yo?"

"Niloloko mo ba 'ko?" agad napakunot ang noo ni Vice sa tanong na iyon.

"Babalik nanaman ba tayo sa issue na yan? Karylle, ano ba?!" buti nalang at silang dalawa lang ang nasa loob ng Faculty kaya walang ibang makakarinig sa pag-aaway nila.

"Just answer my question! Niloloko mo ba ako?!"

"Hindi nga!!!" iritadong sigaw ni Vice na hindi na mapigilang sabunuyan ang sarili. "Paulit-ulit naman tayo eh! Paulit-ulit nalang!"

"Then give me your phone. Let me check it," inilahad ni Karylle ang palad, waiting for Vice to give his phone. Hindi naman agad gumalaw si Vice at tinignan lang si Karylle.

"Why do you have to check my phone?"

"Just let me check it. Kung wala ka talagang itinatago hindi ka magdadalawang isip na ipakita saakin yan,"

"Fine! Oh," Vice surrendered his phone as he watched Karylle inspect it.

Muling nakita ni Karylle ang text message na nabasa niya kani-kanina lang. Akmang ipapakita na niya ito kay Vice nang magpopped nanaman ang isa pang message from the same sender.

From: Honey

      "I'm with your friends. We're having brunch. Where are you? Sumama ka na samin bilis."

"Wow! Buti pa siya kasundo yung mga kaibigan mo," plain na sabi ng dalaga habang ibinabalik ang telepono kay Vice. Binasa naman ng binata ang message at nanlaki ang mga mata nang marealize ang sinasabi ni Karylle. "Samantalang ako na girlfriend mo, hindi nila tanggap..."

"Karylle, kas--" hindi pa natatapos ni Vice ang sasabihin nang tuluyan nang makalabas si Karylle ng faculty. "Ahhhhhhhhhh! P#tah!"

Agad sinundan ni Vice ang nobya na binibilisan ang paglalakad upang hindi siya maabutan. Sa t'wing nahahawakan naman ng binata ang kamay ni Karylle, tila ito napapaso at mabilis na binabawi ang braso mula sa pagkakahawak ng binata.

"Karylle naman, pakinggan mo muna 'ko..." pagmamakaawa ni Vice na halos mapatid na sa hagdanan, masundan lang si Karylle.

Nang malapit na niya itong maabutan, biglang lumiko si Karylle at pumasok sa Principal's office na lalong ikinabusangot at ikinainis ni Vice. Padabog itong umalis ng eskwelahan at nagmaneho papunta sa kung saan.

.

.

.

.

.

Vice

Halos masira na yung manibela sa sobrang pagkakadiin ko. Sino ba naman ang hindi maiinis kung pinangunahan nanaman ng paghihinala yung girlfriend mo? Hindi nanaman ako hinayaang magpaliwanag.

Literal na nakakasira ng bait.

I just decided na puntahan na muna yung mga bakla to lessen the irritation na nararamdaman ko. Besides, I really have to talk to them.

Marry You (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon