o2. Offer

15.9K 408 23
                                    

General POV

Kasalukuyang hinahalughog ni Vice ang kabuuan ng Jose Abad Santos sa Tondo kung saan nakatira ang naka one- night stand niyang si Karylle. Ilang oras na siyang naghahanap ngunit wala parin siyang nahahanap. Ilang tao narin ang napagtanungan niya ngunit hindi daw nila ito kilala.

Alas-onse na ng umaga. Gutom na gutom na siya kaya't naghanap siya ng pinakamalapit na karinderya upang makakain. Inip niyang hinihintay ang pagkain nang matanaw niya ang isang babae sa kabilang kalsada. Nagmamadali siyang lumabas ng kainan at sumunod sa pigurang nakita niya.

"Napakabilis namang maglakad nitong bruha na 'to." bulong niya habang tahimik parin tumatakbo upang maabutan ang dalaga. Hindi na niya nakayanan ang pagod kaya sinigawan na niya ito. "Karylle Padilla!"

Nakuha naman niya ang atensiyon ng babae kaya lumingon ito sa kaniya habang nakakunot ang noo. Halata ang pagkagulat nito sa mukha nang makita siya.

"Nakakaloka. Ilang oras kitang hinanap. Nagtanong-tanong ako dito sa lugar niyo pero di ka daw nila kilala." hingal niyang sabi habang nakahawak pa ang mga kamay sa dibdib. "Aatakihin yata ako sa puso. Napakabilis mo pang maglakad."

Irap lang ang natanggap niya mula kay Karylle bago ito muling tumalikod upang maglakad. Sumunod nalang ulit si Vice habang pinapakalma parin ang sarili dahil sa sobrang hingal. Hinawakan niya sa braso ang dalaga upang mapahinto sa paglalakad.

"Ano ba? Buntis ka na ba kaya hinahanap mo 'ko?" tanong ni Karylle kaya nanlaki ang mga mata ni Vice.

"Nakakaloka. Ako talaga ang nabuntis? Wish ko lang." pinunasan ng binata ang namumuong pawis sa noo. "Kailangan lang talaga kitang kausapin. Pwedeng sa bahay niyo nalang?"

"Eto na nga e diba? Pauwi na 'ko pero pinahinto mo 'ko." sarkastikong sabi ni Karylle bago muling irapan ang kausap.

"Bakit ba ang init ng ulo mo? Nireregla ka ba?" kunot noong tanong ni Vice. Hindi naman siya sinagot ni Karylle na nagpatuloy ulit sa paglalakad. "Sungit. Kala mo naman kagandahan."

"Gago! Narinig ko yun."

"Oh baka naman ikaw yung buntis? Biruin mo yun. Nakabuo pala si Junjun!" nakangiting pang-aasar ni Vice kaya nakatanggap siya ng isang hampas kay Karylle. "Tamo 'to. Binibiro lang e. Bakit ka nananakit?"

"Gusto mo bang maputulan ng ano ha?" paghahamon ni Karylle habang naka tiger look parin. Tila kinabahan naman si Vice na napahawak sa ibabang bahagi ng katawan at umiling. "Pwede bang wag mo akong inisin dahil may pasok pa ako?"

Marry You (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon