38. If you're beside me...

9.7K 355 64
                                    

Chapter 38

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Vice

Maaga akong umalis ng bahay para sunduin si Solenn sa Condo niya. Nakasanayan ko narin iyon simula nang iwan ako ng magaling kong asawa. Itinuon ko yung atensyon ko sa ibang mga bagay para maiwasan ang paghahanap sa kaniya.

"Goodmorning bae," bati niya saakin as she opened the door para makapasok ako.

"Goodmorning. Nakakain ka na?" tanong ko. I gave her a beso bago ako sumalampak ng upo sa Sofa.

"Tapos na po. Maliligo lang ako. Wait me here," tinanguan ko lang siya. Pumanhik na siya sa taas at iniwan ako sa Sala.

Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng Condo Unit. Ganitong ganito rin ako noon. Maagang gigising para lang ihatid sundo si Karylle.

Pero nabalewala lang din lahat ng efforts ko.

Nasayang lang lahat.

Sa tuwing naiisip ko lahat ng oras na naaksaya ko para lang mapasaya yung babae na yon, unti-unti akong nilalamon ng galit.

Bakit ba kasi ako nagpakatanga sa kaniya?

Hindi pala tama yung katwiran na mahal ko siya.

Ilang buwan narin naman ang nakakalipas. Nasanay na ako na lagi kong kasama si Solenn. She was there nung mga panahon na kailangan ko ng kasama.

Hindi niya ako iniwan nung mga panahon na gabi-gabi akong umiiyak. Hindi niya ako sinukuan hanggang sa mapatigil niya ako sa halos araw-araw na pag-inom ko ng alak.

Papanindigan ko ang mga katagang binitawan ko bago siya lumabas ng kwarto ko.

Wala na siyang babalikan.

Pagsisisihan mo 'to, Ana Karylle.

.

.

.

.

.

General

Pagkatapos ihatid ni Vice si Solenn, dumiretso na ito sa Parlor ng mga kaibigan kung saan nakasanyan na nilang maghuntahan habang nag-aayos ng mga customer. Naabutan niya ang mga ito na nakaupo lang at nanunuod.

"Aga mo ata?" nagtatakang sabi ni Archie. Usually kasi, mga ala una na pupunta si Vice pero ngayon, alas dyis palang ay nandoon na siya.

"Wala masiyadong ganap sa school. Hinatid ko lang si Solenn," tila tinatamad nitong paliwanag.

"Naks. Si Solenn na ang bukam-bibig mo this past few months, dati si Karylle,"

"Karylle? Sino yun?" tila inosenteng tanong ng binata kaya naman natawa nalang ang mga kaibigan nito.

"Ayooooooon! My Amnesia Gay lang ang peg? Nung nasaktan, nagpanggap na nakalimot? Ang galeeeeeeng! Napaghahalataang bitter 'te?" pang-aasar ni Lassy.

"Kayo, tantanan niyo nga ako. Hindi na nakakatuwa ah," nagtitimping suway ni Vice sa mga kaibigan na natahimik naman sa pang-aasar. "Kayo narin naman ang nagsabi, DATI na yon. PAST na. So dapat ko ng kalimutan,"

Marry You (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon