06. Midnight Moments

11.4K 393 21
                                    

Chapter 6

~×~×~×~

It was already passed 12 o'clock in the midnight but Karylle is still wide awake. Antok na antok na siya pero hindi niya magawang ipikit ang mga mata sa hindi malamang dahilan. Nanatili lang siyang nakahiga habang ang katabi naman na si Vice ay himbing na himbing na sa pagkakatulog. Nakayakap pa ito sa kaniya, nakadantay ang paa sa tiyan habang nakasiksik ang mukha sa dalaga ng dalaga.

*snore*

*snore*

Napapikit ng mariin si Karylle nang marinig ang sunod sunod na pag-hilik ng binata sa leeg niya. This is also one of the reasons kung bakit hindi siya makatulog.

"Sampalin ko kaya 'to ng kaliwa't kanan?" she thought. Inilayo niya ng kaunti ang leeg sa binata at lumingon. Sarap na sarap ito sa pagtulog na nagawa pang ngumanga.

She moved a bit and tried na makawala sa pagkakayakap ni Vice ngunit mas hinigpitan pa nito ang pagkakayapos sa kaniya. Nag-aalangan naman siyang itulak ito dahil nga sa sarap ng pagkakatulog.

"Vice," mahinang tawag ni Karylle sa katabi niya sabay tapik. "I really need to take a pee." pero hindi parin siya pinapakawalan ni Vice. Nanatili itong nakayakap sa kaniya habang nakadagan ang isang paa sa mga hita niya. "Iihian ko talaga 'tong kama mo."

"Ang ingay naman," iritang bulong ni Vice na hindi naman nakaligtas sa pandinig ng dalaga. "Matulog ka na nga lang diyan K,"

"Tingin mo ba makakatulog ako ng maayos dahil sa posisyon mo? My god! I couldn't even move. Ngalay na ngalay na yung katawan ko. Kala mo naman ang gaan-gaan mo." reklamo ng dalaga sabay tulak kay Vice. Pinakawalan naman siya nito so she took the chance na makatayo at nagstretch ng kaunti. "Ansakit tuloy ng katawan ko,"

"Pasensya naman," Vice said sabay yawn. "Tutulog na ulit ako. Istorbo ka,"

"Huy, teka lang naman," pagpipigil ng dalaga sa pabalik na sana sa pagtulog na si Vice. Inaantok naman siyang tinignan ng binata na tila nagtatanong kung anong gusto niya. "Hindi kasi ako makatulog,"

"Oh? Anong gagawin ko?" walang ganang tanong ni Vice sabay pikit. Hinila naman siya ni Karylle sa paa dahilan kung bakit muntikan na siyang mahulog sa sahig. "Karylle naman,"

"Ihatid mo na kasi ako sa Condo," mahinang command nito. Vice just raised his brows. "Ihatid mo na 'ko bakla,"

Marry You (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon