49. Last

12.3K 433 125
                                    

Chapter 49

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

Karylle woke up at 5 o'clock am, hindi para pumasok sa DLSU, kundi puntahan ang isang taong alam niyang makakapagpasaya sa asawa. Isa ito sa gusto niyang gawin para maibigay kay Vice ang gusto nito.

Vice was still sleeping nang umalis siya sa bahay nila. Hindi naman kasi ito agad-agad nagigising, kung tawagin nga ay tulog mantika.

Karylle just simple wore her pants, miniemouse pull-over and cap. She rode a taxi papunta sa lugar where the person she wants to talk to, stay.

Nang makarating siya sa harap ng building, nagtake lang siya ng isang malalim na buntong hininga bago pumasok sa loob ng building. She stopped in front of a door and knocked. Hindi naman nagtagal ay lumabas din ang isang babae.

Karylle: Goodmorning :)

Halata naman ang pagkagulat sa mukha ng babae dahil sa maagang pambubulabog ni Karylle sa kaniya. Aside from that, nagtaka rin siya ng ngitian siya nito na hindi naman madalas ginagawa sa kaniya ng dalaga.

Solenn: If you're here para awayin ako... please lang, Karylle... ang aga-aga pa.

Karylle: Hindi naman ako makikipag-away Ma'am Solenn. I just really want to talk to you,

Nasense naman ni Solenn na mukhang sincere si Karylle sa sinasabi niya kaya ng move siya ng kaunti sa isang side para makapasok ang katrabaho. Karylle roamed her eyes sa kabuuan ng Condo ni Solenn at naamaze siya sa sobrang linis nito.

Karylle: Now I know, why do Vice loves staying here.

Lalong nagtaka si Solenn sa mga sinasabi ni Karylle. It is the first time kasi na ito ang lumapit sa kaniya para makapag-usap sila.

Solenn: Ano bang pag-uusapan natin?

Karylle: A-ahh, ano. May breakfast ka ba diyan?

Nahihiyang nagkamot ng ulo si Karylle sabay yuko dahil sa binitiwan niyang salita. Napataas lang naman ng kilay si Solenn at hindi maiwasang matawa. Inakala niya kasing yun ang pinunta ng katrabaho.

Solenn: Seriously? Ginugutom ka ba ni Vice?

Karylle: Ha? Ay nako. Hindi. Hindi. Uminom lang kasi ako ng gatas sa bahay kanina. Hindi ko naman akalain na dito pa pala ako dadatnan ng gutom.

Solenn: Wait me here. Ipagluluto kita.

Solenn left her sa Sofa at dumiretso ng lakad papunta sa kusina. Nanlaki naman ang mga mata ni Karylle dahil naisip niya na baka lagyan ni Solenn ng lason ang niluluto nito just to retaliate on her kaya she decided na sundan nalang ito.

Karylle: Nakakahiya naman. Tulungan na kita gusto mo?

Solenn: Hindi na. Saglit lang naman 'tong hotdogs eh.

Napa-nod nalang slowly si Karylle na umupo nalang sa stool at pinapanuod sa pagpiprito si Solenn. Pinasadahan niya ito ng tingin mula batok hanggang paa.

Bigla niyang naalala ang sinabi ng asawa na Solenn's too good, too beautiful and too sexy para isnabin. Now, with her two eyes... napatunayan niyang tama ang sinabi ng asawa at malabo ngang hindi magustuhan ni Vice si Solenn.

Marry You (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon