46. SeaSide

13.5K 430 209
                                    

Chapter 46

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

Karylle

Nasa labas na kami ng bahay ni Lolo Gonzalo. My body was trembling dahil sa kaba na nararamdaman ko. Sino ba naman ang hindi kakabahan kung haharapin mo ang pamilya ng asawa mo? Asawa mo na iniwan at sinaktan mo. Imposibleng hindi nila malaman yung ginawa ko kay Vice diba?

"Tara na sa loob?" Vice asked. "Kinakabahan ka ba?"

"O-Oo."

"Hindi ka naman kakainin ni Nanay. Tara na," he held my hand at ginuide niya 'ko papasok sa loob ng bahay.

Once we got inside, sinalubong kami ni Lolo Gonzalo and Manang Klaring. They said na dumiretso daw kami sa kusina dahil nandun na yung nanay at kapatid ni Vice.  We headed at the kitchen, and there...

"Nay!" sigaw ni Vice at patakbong lumapit sa nanay niya. The old woman stood up and gave Vice a tight hug. Halatang namiss nila ang isa't-isa.

I was busy watching them hugging each other nang madako ang paningin ko sa babaeng nasa gilid nila. It must be Vice's sister. Blangko siyang nakatingin sa 'kin kaya lalo akong kinabahan. Tinaasan niya ako ng kilay kaya nag looked away nalang ako. I wanted to shout Vice's name and asked for help pero nahihiya naman akong sirain ang moment nilang mag-ina.

"Hoy! Ate!" this time, yung babae naman ang kayakap ni Vice. I'm still standing sa bukana ng kusina when Vice's mom approached me.

"You're Karylle right? Ikaw yung asawa ng anak ko?" she asked. I slowly nodded. Konting konti nalang pakiramdam ko babagsak na 'ko sa sobrang kaba. "Ang ganda mo hija. Payakap nga,"

Nung una naghehesitate pa 'ko if I would hug her or what but when she made the first move, nakiyakap narin ako. Ayoko namang maging bastos sa harap ng pamilya ng asawa ko.

"Karylle, eto nga pala si Tinay, kapatid ko." pagpapakilala ni Vice sa kapatid niya. I smiled at Ate Tina pero inirapan niya lang ako. "Ate, si Karylle... nanay ng magiging anak ko,"

"I know. Siya yung nang-iwan sa 'yo diba?" she asked plainly. Napayuko nalang ako. Kinakain ako ng kahihiyan. "So bakit ka pa bumalik?"

"Cristina!" Vice's mom called sa tono na tila nagbabanta. "Ganiyan ka ba makisama sa bisita?"

"Why? I'm just asking her. Masama na ba magtanong ngayon nay?" sarkastikong sabi niya with a smirk.

Sa tono ng pananalita niya halatang halata na she doesn't like me for her brother. Sa pakikitungo palang niya sa 'kin ramdam ko na. Parang gusto ko ng umiyak pero di ko magawa. I looked at my spouse but he's just looking at me plainly. Lalo akong nadurog.

"Don't mind her nalang hija," pagcocomfort sakin ng nanay ni Vice as she held my hand. "Ilang buwan ka na bang buntis?"

"6 weeks na po," I answered politely. Nagsmile ako ng kaunti sa kaniya. Inayos niya yung buhok ko into one side.

"I'm sure maganda at gwapo ang magiging supling niyo ni Jose Marie," she said kaya lalo akong napangiti. "Call me Nanay ha?"

"S-sige po,"

"So bakit ka nga bumalik?" pangungulit parin ni Ate Tinay kaya napayuko ulit ako. "You know, mas gusto ko kasi si Solenn for my brother."

"Ate wala na kami ni Solenn," pag-iinterrupt ni Vice. "We broke up, kagabi lang."

Marry You (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon