31. Sinong galit?

13.1K 359 31
                                    

Chapter 31

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Nakangiting bumaba si Vice mula sa kwarto nito. Bagong ligo at mukhang ibinuhos ang buong pabango sa katawan. Pasipol sipol pa ito habang tinatahak ang daan papunta sa kusina. Nadatnan niya doon si Karylle at ang lolo niya na naghahanda ng umagahan.

"Buti naman at bumaba ka na. Kanina pa kita ginising diba?" kunot noong tanong ng dalaga as she placed another plate sa lamesa.

"Naligo ako. Baka kasi sabihin ng girlfriend ko salahula ako sa katawan," malambing na sagot ni Vice, emphasizing the word girlfriend. Natawa naman si Karylle sa inastang iyon ng binata. "Ba't tinatawanan mo 'ko?"

"Wala. Wala. Kumain ka na o," binigyan ni Karylle ng kanin at ulam si Vice bago ito umupo.

"Apo, aalis na muna ako huh? May lakad kami ni Bernard eh," paalam ng matanda na may malaking ngiti sa mukha.

"Saan kayo punta 'lo?"

"Sa GYM lang apo. Magpapalaki ng katawan, alam mo na..." Vice frowned upon hearing his grandfather. "Sige na apo huh, mag-iingat naman si Lolo eh. Iloveyou apo ko,"

"I love you too 'Lo. Tawagan niyo nalang po ako kapag kailangan niyo ng tulong huh? Wag magpapagod," paalala nito ngunit isang thumbs up lang ang ibinigay sa kaniya ng matanda. "Puro talaga kalokohan tinuturo ni Bernard sa Lolo ko eh,"

"Hayaan mo na. Mukhang mag-eenjoy naman yung matanda," pagiinterrupt ni Karylle kay Vice.

Biglang bumalik ang saya at kilig sa mukha ni Vice nang maalala ang nangyari kanina lang sa kwarto niya. He looked at Karylle na ngayon ay busy sa kinakain nito. Iminoved niya ng kaunti ang upuan para makadikit sa dalaga.

"Diba girlfriend na kita?" parang batang tanong ni Vice. Karylle just nodded. "Totohanan na 'to huh? Hindi na lokohan?"

"Oo nga. Ayaw mo ba?" sunod-sunod ang pag-iling ni Vice na mukhang walang balak tumig kaya naman pinahinto ito ni Karylle by cupping his cheeks. "Totoo na po 'to. Tayo na. Girlfriend mo na 'ko. Boyfriend na kita."

"So... bakit bigla mo naisipang seryosohin na 'tong relasyon na 'to?" saglit na natahimik si Karylle at nag-isip ng dapat isagot.

"You didn't give up on me. Pinaramdam mo sakin yung totoong kahulugan ng pagmamahal. Gaya nga ng sinabi mo, kinalimutan mong bakla ka para lang mahalin ako ng buo. Sapat na dahilan na yun para baguhin yung isip ko... sapat na dahilan na yun para maibigay ko sayo yung pagmamahal na deserve mo," Karylle smiled sweetly.

Hindi maitago ang pagiging emosyonal ni Vice kaya napapout nalang ito bago mag lean forward para mayakap ng mahigpit ang nobya. Niyakap naman siya pabalik ni Karylle habang hinahagod ang likod nito.

"Mahal na mahal kita, Karylle. Pinapangako kong hinding-hindi mo pagsisisihang pinagkatiwalaan mo 'ko,"

Napangiti nalamang si Karylle dahil alam niyang sincere ang binata sa mga sinasabi nito. She pulled away from the hug and gave him a light kiss on the tip of his nose. She also mouthed the word 'I love you' kaya hindi nanaman maiwasang mamula ni Vice.

"Mamaya mo ka na kiligin ng sobra. Bilisan mong kumain, may pupuntahan tayo..." pag-iinterrupt ni Karylle sabay tap ng mahina sa pisngi ng nobyo. "Faster,"

Marry You (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon